Advertisers

Advertisers

PAANO KUNG ‘PINAS NAMAN ANG SALAKAYIN?

0 6,292

Advertisers

BAGO ang lahat, isa munang mensahe ng pag-asa at pagbabago tungo sa mas magandang kinabukasan ang hatid natin sa lahat ngayong Bagong Taon. Mabuhay tayong lahat!

***

Sa pagpasok ng 2026, muling ipinakita ng ‘Tadong Unidos sa ilalim ni Donald Trump ang pagiging sanggano at “utak-pulbura” nito nang salakayin ang Venezuela nitong Sabado at “dukutin” ang pangulo nito na si Nicolas Maduro at kanyang asawa.

Sapilitan silang dinala sa Amerika upang litisin si Maduro sa isang ‘US Kangaroo Court’ sa pekeng kaso ng ‘drug trafficking.’

Sa kalaunan naman ng ‘press conference’ ni Trump, muling lumabas ang totoong dahilan kung bakit niya inatake ang Venezuela— upang direktang makontrol ang reserbang langis (oil) ng Venezuela.

Tinataya kasing aabot sa higit 303 bilyon bariles ng langis—pinakamalaki sa buong mundo—ang nasa teritoryo ng Venezuela. Sa halaga nitong higit $17 trilyon, puwede na itong pambayad sa halos kalahati ng higit $34 trilyon na utang ng Amerika.

Hindi na bago sa mundo ang ganitong estilo ng mga Kano na sumasalakay gamit ang hinabi nitong kasinungalingan bilang batayan.

Hindi ba kasinungalingan din ang palusot ni Pang. George Bush Jr. nang atakihin at wasakin ng Amerika ang Iraq noong 2003? Dahil nag-iimbak daw si Saddam Hussein ng ‘WMD’ (weapons of mass destruction)?

Sa ngayon, alam na ng lahat kung bakit winasak ng Amerika ang Iraq—mayaman kasi ito sa langis.

Nasa katwiran naman ang maraming bansa na kumondena sa ipinakitang walang pakundangang karahasan ng ‘Tadong Unidos sa Venezuela— maliban na lang tayo dito sa ‘Pinas.

Hindi kasi tayo magtataka kung manatiling “selyado” ang bunganga ng Malakanyang at iba pa nating mga opisyal katulad nitong si Jay Tarriela ng PCG at SND Gibo Teodoro sa sinapit ng Venezuela dahil nga Amerika ang abusado.

Puwede ba kasing “umangal” sa kanyang “amo” ang isang hamak na “tuta?”

Sakali namang ‘Pinas ang salakayin at wasakin ng Amerika, may bansa kayang tatayo, tutulong at magsasalita para sa atin? ###