Advertisers
NAGPALABAS ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng pinalawak na flight safety advisory dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan sa buong bansa.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang Bulkang Kanlaon ay sumabog ngayong araw, na nagdulot ng kulay abong ulap na umabot sa taas na 11,000 hanggang 15,000 talampakan patungo sa timog-kanluran habang ang iba pang mga bulkan ay iniulat din na nagpapakita ng mga palatandaan ng pag-alburuto.
Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng operasyon ng paglipad, ang CAAP ay naglabas ng updated na Notice to Airmen (NOTAMs) gaya ng sumusunod:
Kanlaon Volcano: Epektibo mula Enero 6 sa 9:39 AM hanggang Enero 7 sa 5:55 AM, na may mga vertical limits mula sa ibabaw hanggang 13,000 talampakan.
Bulusan Volcano: Epektibo mula Enero 6 sa 8:16 AM hanggang Enero 7 sa 9:00 AM, na may mga vertical limits mula sa ibabaw hanggang 10,000 talampakan.
Taal Volcano: Epektibo mula Enero 6 ng 8:14 AM hanggang Enero 7 ng 9:00 AM, na may mga vertical limits mula sa ibabaw hanggang 11,000 talampakan.
Mayon Volcano: Epektibo mula Enero 6 sa 8:16 AM hanggang Enero 7 sa 9:00 AM, na may mga vertical limits mula sa ibabaw hanggang 11,000 talampakan.
Ang lahat ng mga flight operator ay mahigpit na pinapayuhan na iwasan ang paglipad malapit sa volcanic summits. (JOJO SADIWA)