Advertisers

Advertisers

BATO DAPAT TANGGALIN SA SENADO

0 39

Advertisers

KUNG kami ang tatanungin, dapat lang tanggalin si Bato dela Rosa sa Senado. Hindi dumadalo si Bato sa sesyon si Bato. Walang opisyal na paliwanag kung bakit patuloy siyang lumiliban sa kanyang trabaho bilang mambabatas sa Senado. Hindi malaman kung hanggang kailan siya liliban o kung may balak pa siyang bumalik sa kanyang trabaho.

May bumabang arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay Bato. Alam niya na maaari siyang dakpin anumang oras kapag lumantad siya. Kaya nagtatago siya upang hindi masilo at dalhin sa punong himpilan ng ICC sa siyudad ng The Hague sa Olandiya. Batid niya hindi siya susuportahan ni BBM.

May patuyang payo si Sonny Trillanes kay Bato upang hindi siya madakip ng mga alagad ng batas: “Huwag siyang lilitaw.”

Kung ordinaryong kawani si Bato sa isang tanggapan – pribado o pampubliko, sinibak na siya. Walang dahilan na bigyan ng suweldo si Bato kung hindi nagtratrabaho. May magandang paliwanag si netizen Roberto Lella Lastica sa pagkawala ni Bato sa bulwagan ng Senado:

According to the Senate Rules, the Committee on Ethics and Privileges receives and hears ethics complaints against a senator filed by either another senator, a government official, or a Filipino citizen.

Senator Bato Dela Rosa has not attended any session at the Senate since November 11 and no explanation for his absence has been received by the Senate leadership.

Does Senator JV Ejercito, Chair of the Senate Ethics Committee still need to wait for a compliant when the work of the Senate as a whole is impaired and impacted by the continuing absence of Bato?

Can the people expect some moto-propio action from the Senate to be at par with any regular public servant of NO WORK-NO PAY policy?

If indeed the Interpool warrant of Arrest is simply a ruse, why can’t Bato man up like former Senator Leila de Lima during her time?
***
MUKHANG nalipasan ng bait si Polong Duterte ng nakita niya ang amang si Gongdi sa piitan ng ICC sa Scheveningen, Olandiya. “Long hair” na ang kanyang ama, aniya. Eh ano naman kung long hair? Bakit hindi siya nagdala ng gunting?

Hindi ibig sabihin ng long hair si Gongdi ay maawa tayo at ipipilit na pauwiin na siya. May payo na sarkastiko ang isang netizen: “Eh, d ipakulot mo.” May inihahandang plunder charges si Sonny Trillanes laban kay Polong kaugnay sa P51 bilyon na napunta sa kanyang distrito sa Davao City. Wala siyang naipakitang proyekto kung saa ginamit ang malaking pera.

Kailangan ipaliwanag ni Polong kung paano niya ginamit ang pondo ng bayan. Ibigay ng Kongreso sa kanya ang malaking pondo noong 2019 hanggang 2022 kung kailan pangulo ang kanyang ama. Tingnan natin kung may paliwanag siyang maayos. Kailangan ipaliwanag niya na hindi niya ibinulsa ang pera ng bayan.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “PAYO kay Harry Roque: Umuwi ka’t harapin ang mga sakdal laban sa iyo. Magpakalalaki kahit bakla ka. Harapin ang batas.” – PL, netizen kritiko

“We fully support this initiative to create a joint congressional committee to monitor budget spending, as our job does not end with the passage of the National Budget. It is in the best interest of Congress to make sure that the law – in this case the GAA, a most important piece of legislation – is properly and judiciously implemented. Although we were able to do our utmost in scrutinizing the budget for this year, hindi tayo pwedeng magpakampante na corruption-free na itong budget na ito, especially since there are still unprogrammed appropriations or “shadow pork”, lumobo rin ang ‘soft pork’ na prone to patronage-politics, and there are still no big fish/es being held accountable in the massive plunder of public funds. Nandyan pa sila at ang mga kasabwat at galamay nila. So, magbabantay at mag-uusisa tayo.” – Leila de Lima