Advertisers

Advertisers

Legalidad ng 2026 unprogrammed funds kinuwestyon sa Korte Suprema

0 6

Advertisers

NAGHAIN ng petisyon sina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa Korte Suprema nitong Huwebes, Enero 8.

Kanilang inihain ang ‘petition for certiorari and prohibition’ kontra sa ‘unprogrammed appropriations’ ng 2026 General Appropriations Act.

Pahayag ni Rep. De Lima, ang petisyon ay upang kwestyunin ang legalidad o pagiging naayon sa konstitusyon ng ‘unprogrammed funds’ sa pambansang budget ngayong taon.



Giit ng naturang petisyuner na hindi sapat ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na P92.5 billion sa budget.

May natira pa rin aniya kasing nakalaan sa tinatawag na unprogrammed funds na aabot sa P150 billion nakapaloob sa 2026 national budget.



Kung kaya’y alinsunod sa petisyon inihain sa Kataas-taasang Hukuman nais aniyang linawin ng korte ang legalidad sa pagkakaroon ng ‘unprogrammed appropriations’.

Naniniwala siyang hindi umano nararapat na mayroon nito nakapaloob sa General Appropriations Act o ang pambansang budget ng Pilipinas.



Kalakip ng petisyon ay ang kahilingan na mag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injuntion, Status Quo Ante Order para mapahinto implementasyon ng ‘unprogrammed funds’.