Advertisers
Oo. Tila nawala na sa kanyang katinuan si Senador Imee Marcos-Manotoc.
Kung ano-ano na ang namumutawi sa bibig ni Imee.
Ultimo sariling kapatid ay dinudurog ni Imee. Mas gusto pa niyang kampihan ang inutil at ubod ng kurap na “kaibigan” kesa utol niyang bigay todo ang pag-aayos sa kalat ng nakaraang administrasyon.
Ang mga tuwid na hakbang ng kanyang utol na pangulo, Bongbong Marcos, Jr., ay kanyang linulubid, binibigyan ng mga negatibong reaksiyon at malisya.
At bilib tayo rito kay Pangulong Bongbong, kahit sabihan siya, kanyang First Lady at mga anak ng “adik” ni Imee ay hindi niya ginagantihan ang kanyang ate. Ang tanging reaksyon n’ya lang ay “Hindi siya si Imee”. Hehehe…
Hindi natin alam kung ano talaga ang motibo ni Imee sa pagwakwak sa administrasyon ng kanyang utol.
Pero isa lang ang masasabi ko: Blood is ticker than water. Magkakasundo rin siguro sila sa bandang huli, ‘yan ay kung nasa hustong pag-iisip pa ang senadora. Mismo!
***
Ubod ng yaman pala itong si Construction Workers Solidarity (CWS) Partylist Representative Edwin Gardiola. Halos umabot ng trillion ang kanyang mga ari-arian at kayamanang nakalagak sa bangko.
Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), ang naka-freeze na mga ari-arian ni Gardiola ay kinabibilangan ng 55 bank accounts sa kanyang pangalan, 756 accounts under Newington Builders, 325 accounts under S-Ang Construction and General Trading, at 57 accounts under Lourel Development Corporation. Lahat ng kompamyang ito ay pag-aari ng kanyang pamilya.
Say ng AMLC, lumabas sa kanilang imbestigasyon na maliwanag na mayroong discrepancies sa pagitan ng nakapablis na financial statements at ng kabuuang pumasok at lumabas na nakatala sa accounts.
Sinabi pa ng AMLC na ang volume ng deposito at mga check transaction ay hindi maipaliwanag ng ligal na pinanggalingang kita ni Gardiola.
Isa sa mga halimbawa rito ay ang accounts sa ilalim ng Newington Builders na nakatala ang P13.5 billion na mga pumasok noong 2023, habang sa audited financial statement ng kompanya ay P3.5 billion lamang ang nakatala sa sales.
Sabi ng isang vice mayor sa bayan sa Batangas, ang yaman ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ay kalingkingan lang ng kay Gardiola.
Napag-alaman din na may mga transaksiyon sina Gardiola at mag-asawa ring kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya. Bilyones din ang halaga!
Ang mga kontraktor na ito ay pawang sangkot sa ghost flood control projects.
Tama lang na bawiin ng gobierno ang kanilang mga kayamanan at mapanagot sila sa batas. Salamat PBBM!!!