Advertisers

Advertisers

Project “HILAMOS” sa mas poging Quezon City

0 49

Advertisers

Mas poging Quezon City…yes, iyan ay sinimulan na ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamamagitan ng “Project HILAMOS”.

Kahapon, pinangunahan ni QCPD District Director, PCol Randy Glenn Silvio ang paglunsad sa Project HILAMOS (Holistic Initiative for Local Art, Maintenance, and Order in Spaces) sa isang community park sa Barangay Krus na Ligas, gayundin sa 17 pang barangay ng ng lungsod.

Ang mas pagpapapogi sa QC ay mula sa paglilinis sa mga pader hanggang sa pagsasaayos ng mga pampublikong pasilidad upang gawing mas ligtas at maayos ang kapaligiran.

Naisakatuparan ang proyerkto sa pakikipagtulungan sa QCitizens, mga opisyal ng barangay, at sa Pamahalaang Lokal ng Quezon City (QC LGU) sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.

Layunin ng proyekto na ibalik ang kaayusan at kalinisan sa mga pampublikong lugar habang itinataguyod ang disiplina, kaligtasan, at isang kapaligirang madaling lakaran (walkable) at palakaibigan sa mga bata (child-friendly).

Sa unang araw ng Project HILAMOS, sumaklaw ito sa iba’t ibang barangay at mahahalagang lokasyon sa Quezon City, kabilang ang: CP Garcia, Brgy. Krus Na Ligas (Community Park) Commonwealth Avenue; Riverside Basketball Court, Brgy. Commonwealth, harap ng Department of Agriculture, Elliptical Road, Diliman, Brgy. Vasra; P. Tuazon Blvd. kanto ng Katipunan Ave., Brgy. Marilag Project 4; Ramon Magsaysay Elementary School, Apo St., Brgy. Lourdes; 22 A Gen. Wood St., Brgy. Del Monte; Quirino Highway G. Del Mundo Drive, Brgy. Talipapa; Dona Rosario Elementary School, Brgy. Nova Proper, Novaliches; Justice Cecilia Muñoz Palma High School, Payatas Rd. kanto ng Molave St., Brgy. Payatas; San Gabriel Elementary School, Brgy. Sta Lucia; EDSA kanto ng Ermin Garcia, Brgy. E Rodriguez, Cubao; Diosdado Macapagal Elementary School, Victory Avenue, Brgy. Tatalon

1 JM Basa Compound kanto ng Erjr Ave, Bagumbayan

Lot 6, Blk. 20, Sacred Heart Village, Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro; Day Care Center, Artillery Rd., Brgy. Holy Spirit

LTO at LTFRB East Avenue, Brgy. Pinyahan;

124 A, Maginhawa St., Brgy. Teachers Village East

Quezon Memorial Circle, Elliptical Rd. (MRT 7 Property – Center Island Barrier)

Ang proyekto ay alinsunod sa Oplan Hilamos o Oplan Dignity, isang inisyatiba ng pamahalaan ng Pilipinas na inilunsad ng DILG noong 2014 upang ibalik ang dangal ng mga pasilidad ng pulisya. Sinusuportahan din ng proyekto ang City Ordinance No. SP-3163, S-2022, na nagpaparusa sa bandalismo at pagkasira ng mga ari-arian.

Sa pamamagitan ng pagsugpo sa “visual pollution” at pagpapanatili ng kaayusan sa mga pampublikong espasyo, ang Project HILAMOS ay nakatutulong sa pag-iwas sa krimen at pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko. Binibigyang-diin din nito ang mahusay na pamamahala sa yaman (Efficient Resource Management) habang sinusuportahan ang mithiin ng Quezon City na maging isang lungsod na madaling lakaran at ligtas para sa mga bata.

“Ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ay responsibilidad ng lahat. Sa pamamagitan ng Project HILAMOS, hinihimok namin ang lahat ng residente na makilahok, iulat ang mga ilegal na aktibidad, at magsanay ng disiplina sa mga pampublikong lugar upang gawing mas ligtas at mas maayos ang Quezon City,” pahayag ni PCol. Silvio.