Advertisers

Advertisers

COCOJULS MAGSASAMA SA ISANG PELIKULA

0 12

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ibinulgar ni Julia Montes ang bagong proyektong pagsasamahan nila ng long partner na si Coco Martin.

Kinumpirma niya sa isang panayam ang bagong movie project nila ni Coco at may dream teleserye rin daw siyang gagawin na excited niyang i-announce soon.

Bale reunion movie ito ng CocoJuls sa big screen matapos ang ilang taon nilang nagkasama sa pelikula.

Aniya ng may pagmamalaki, “May movie kaming gagawin ni Coco, so ayun. Isa rin ‘yun na excited ako na film kasi maganda yung istorya at looking forward talaga ako,” kwento niya.

Pagbahagi pa niya, “May dream project ako na serye na gagawin soon. Pag pwede na namin i-announce sasabihin ko.”

Si Julia at Coco ay huling nagkasama sa Netflix film na Pula noong 2024. Bago niyan, ang romantic movie nila ay A Moment in Time noong 2013. Sa ngayon ay co-producer sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco ang aktres.

Nagtutulungan sila sa business side tulad ng finances. Sabi niya, forte ni Coco ang creative side kaya siya ang humahawak ng numbers.

Talagang naghahanda na ang celebrity couple para sa kanilang pamilya kaya ganun na lang sila ka hands on sa pagpapalago ng kanilang business.