Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa isang panayam noong Nobyembre kay Andrea Brillantes para sa isang online magazine, naikuwento niya na isang challenge para sa kanya ang lumaki sa mata ng publiko.
Naidetalye rin niya roon ang mga dinanas niya bilang breadwinner ng family na nagsimula bilang child star.
Aniya, lahat daw ng galaw niya noon ay nama-magnify sa social media.
Katunayan, madalas din daw siyang nami-misinterpret.
Sa naging breakup daw niya noon sa ex na si Seth Fedelin at iba pa, ang dami rin daw niyang natutunan.
Sey pa niya, naging protective na rin daw siya sa kanyang personal feelings kaya selective siya sa mga ipino-post sa socmed.
Paniwala kasi niya, kailangan muna niyang i-prioritize ang kanyang peace at well-being higit sa lahat.
Sa ganitong paraan nga naman, maiiwasan niya ang ano pa mang pagkakamali.
Nagbahagi pa siya ng personal lesson na natutunan niya para maprotektahan ang kanyang sarili sa bashers.
“Don’t touch your phone when you’re feeling vulnerable… Don’t post”.
Binalikan naman ng mga nagmamaldita ang sinabi ni Blythe noon at ikinonek ng mga ito ang ginagawa ng aktres sa ngayon.
Patuloy kasing pinag-uusapan ang pagpo-post at pagre-repost ni Blythe at ng rumored boyfriend nitong si Franchesco Capistrano ng sweet photos nila together sa Instagram at Tiktok na ikinakikilig naman ng kafaneyan .
Gayunpaman , marami ring nagmamahadera ang pinupulaan ang aktres sa mga pa-PDA nila ng boyfie.
May mga nag-aampalaya pang nagsabing kinain daw ni Andrea ang kanyang mga salita.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Akala ko ba, she wants to protect her peace kaya di siya nagpo-post regarding her lovelife sa social media?”
“Kaloka.Kinain niya ang kanyang salita.”
“Feeling ko, sobrang inlababu si girl kay guy.”
“Pansin ko rin.Dati naman, hindi siya showy sa socmed pagdating sa lovelife.”
“Tapos pag nag-break.Iiyak-iyan naman.”
“Sana nga, nagmature na si Blythe.”
“Iba rin si Blythe. Hindi naman siya ganyan ka-demonstrative sa pagfle-flex ng dyowa dati.”
“Sana huwag lang siyang maging labandera ng dirty laundry.Hehe.”
“Obvious na sobrang in love si girl.”
“Go, Blythe. You deserve to be happy.”
“Bagay naman sila at mukhang mabait si guy.”
“Sana maging maligaya na ang lovelife ni Blythe.”
***
SHAKE, RATTLE & ROLL: EVIL ORIGINS TUMABO NA NG MORE THAN P110 MILLION SA TAKILYA!
Still showing in almost 100 cinemas nationwide, now on its 3rd blockbuster week! NA-BREAK na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100 million mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival 2025.
Nagtala na ito ng P110 million sa talkilya simula nang magbukas ito sa mga sinehan noong December 25. Ito ang 2nd topgrosser sa 8 pelikulang kalahok sa MMFF. Ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ay ang official entry ng Regal Entertainment, Inc. Consistent ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa posisyon nito sa box office simula noong opening ng festival noong Pasko.
Isa na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa biggest moneymaker sa hanay ng Pinoy horror movies na ipinalabas ng mga nagdaang taon. Ito na din ang may hawak ng record bilang biggest hit sa lahat ng Shake, Rattle & Roll franchise.
Taos-puso ang pasasalamat ng pamunuan ng Regal Entertainment at produksyon ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa lahat ng tumangkilik at patuloy na tumatangkilik sa pelikula. Mga fans, pamilya, at kaibigan ng cast na hindi nagkait ng suporta sa pelikula. At sa pamilyang Pilipino na naging malaking bahagi ng tagumpay ng pelikula. Naging word-of-mouth din ang production excellence ng pelikula. At ang mahusay na pagganap ng buong cast. Matinong direksyon at script. Maihanay na ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins sa listahan ng mga de-kalibreng horror movies sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Patuloy na gagawa ang produksyon ng Regal Entertainment ng mga de kalibreng obra para sa mga Pilipino na patuloy na tumatangkilik sa kanilang mga pelikula.