Advertisers

Advertisers

RHEN AT JOSEPH BIBIDA SA MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS

0 16

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Hindi nauubos ang mga kapanapanabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewers at Wattpad series enjoyers.

May panibagong aabangan ang mga manonood, dahil magkakaroon na ng series adaptation ang My Husband is a Mafia Boss, ang kuwentong umani ng mahigit 218 milyong reads sa Wattpad. Mula sa panulat ng yumaong author na si Diana Marie Serrato Maranan, o mas kilala online bilang Yanalovesyouu, mapapanood na ito ngayong 2026, sa Viva One!

Kuwento ng isang dalagang college student na makikilala ang isang young billionaire CEO ng isang kompanya, na kalaunan ay matutuklasan niyang isa rin palang mafia boss.

Sa gitna ng samu’t saring dahilan at mga nakakatawang pagkakatugma ng tadhana, mauuwi sa hindi inaasahang kasalan ang kanilang ugnayan. Dito magsisimula ang kakaiba nilang pagsasama na haharap sa lahat ng sakit at pagsubok, habang ang kanilang mundo ay unti-unting nababalot ng mga lihim, misteryo, at kasinungalingan.

Ang pinakabagong Viva One original series ay mula sa direksyon ni Fifth Solomon at ang unang pagtatambal nina Rhen Escaño at Joseph Marco, na magbibigay-buhay sa mga minamahal na karakter nina Aemie Romero at Ezekiel “Zeke” Roswell.

Si Aemie Romero (Rhen Escaño) ay isang third-year college student – maganda, masiyahin, at laging full of energy. Marami ang nagmamahal at humahanga kay Aemie, kahit pa may mga pagkakataong siya ay OA, medyo isip-bata, at may pagka-clumsy. Dahil sa kaniyang kakaibang personalidad, siya ay makakasal sa isang lalaki nang wala sa plano.

Sa ilang taon ni Rhen Escaño sa industriya, napatunayan na niya ang kaniyang versatility bilang artista, at nasaksihan ng maraming ang kaniyang husay mula telebisyon hanggang pelikula. Sa pagganap niya bilang Aemie, isang panibagong Rhen ang mapapanood, kung saan bibigyang buhay niya ang isang cute at makulit, ngunit palaban na karakter na handang sumabak sa aksyon.

Si Ezekiel “Zeke” Roswell ay isang engineer, young billionaire, at CEO ng isang kompanya – matalino, perfectionist, istrikto, straightforward, at may pagkasuplado, iilan lamang ang tunay na nakakapalagayan niya ng loob. Sa likod ng kaniyang tagumpay, siya rin ay isang lihim na mafia boss. Sa gitna ng pagharap niya sa bigat ng mga responsibilidad at problemang kaniyang kinakaharap, magbabago ang takbo ng buhay niya nang makilala niya si Aemie.

Dahil sa kaniyang manly physique at strong features, swak na swak para sa papel ni Zeke Roswell si Joseph Marco. At matapos ang kaniyang pagganap sa ilang rom-com movies at action-drama series, subok na ang kakayahan ni Joseph na maghatid ng kilig, at alam na ng marami ang husay niya sa aksyon at drama na malaking parte sa pagganap niya bilang isang mafia boss.

Makakasama pa nina Joseph Marco at Rhen Escaño sa serye ang ilang mga up-and-coming na artista na gagampanan ang mahahalagang papel sa series.

Si Frost Sandoval ay gaganap bilang Kaizer Maxwell Lamperouge, ang kanang kamay ni Zeke at isa sa mga pangunahing miyembro ng Roswell Mafia Group. Habang si Si Sara Joe naman ang gaganap bilang Amesyl Cross, ang pinsan at matalik na kaibigan ni Aemie.

Makikilala rin sa serye ang mga kaibigan ni Aemie. Si Jaime Yllana bilang si Nico Jeisz Young. Si Icee Ejercito si Caileigh Ferrer. Si Kyosu Guinto bilang Kevin Alferez, Si Dann Aquino bilang Louie Birkins, at Aaliyah Coco bilang Shan Venice Birkins.

Bahagi naman ng Roswell Mafia Group sina R-ji Lim ng Alamat bilang Jacob Lee, PJ Rosario bilang Sebastian Lerwick, at Maru Delgado bilang Vash Boulstridge.

Mapapanood rin sa serye ang kalaban ng Roswell Mafia Group na Yaji Mafia Group at ang leader nila na si Eiji Ferrer na gagampanan ni Simon Ibarra. Miyembro ng Yaji Mafia Group sina Meisha Lamperouge na gagampanan ni Roberta Tamondong, si Hazel Calawod bilang Cassandra Heather, Naz San Juan bilang Tristan Klein, at MO Mitchell ng Alamat bilang Spade Clifford.

Makikilala rin ang ibang karakter tulad nina Violet Swansea, na gagampanan ni Priscilla Meirelles, Kelley Day bilang Fiona Stonehurst, Yuki Sonoda bilang Fauzia Arcadia, Bianca Santos bilang Kate Alonzo, at Sandex Gavin bilang Phoenix Strife.

Parte rin ng serye sina Anjo Damiles bilang Jerson Ken Blood at Akihiro Blanco bilang Wallace Martin Lionhart, at si Edsel Santiago bilang Milka Shinize Boulstridge

Si Ara Mina naman ang gaganap bilang Alyana Heartily-Ferrer, ang childish pero sweet at maalagang nanay ni Aemie. At meron siyang sikretong maaaring maglayo kay Aemie at Zeke.

Aksyon, drama, comedy, kilig, tensyon, at kaba – siguradong halo-halo ang mararamdaman ng mga manonood sa bagong serye na aabangan sa Viva One. Panibagong excitement at thrill ang mararamdaman sa paborito niyong online streaming platform – My Husband Is A Mafia Boss, ngayong 2026 na sa Viva One!