Rep. Oducado tumulong sa fire victims sa Cabanatuan
Advertisers
Sa sandali na nabalitaan, agad na naghatid ng tulong si 1Tahanan Party-list Rep. Nat Oducado sa mga nasunugan sa Barangay Matadero, Cabanatuan City.
Halos umabot sa 43 na kabahayan ang naapektuhan ng sunog kung saan natupok ang mga bahay at gamit ng mga residente sa lugar.
“Nakakalungkot ang ganitong mga pangyayari. Hindi man natin kaya tulungan ang buong bansa sa kada may tuwina. Sisikapin natin makapag abot ng tulong sa ilan,” pahayag ni Oducado.
Personal na naghatid ng paunang tulong sa mga pamilyang na apektuhan si Oducado ng gamit para sa pag papagawa gaya ng yero at semento.
“Sana’y makatulong po ito sa inyong mga pangangailangan ngayong panahon ng pagsubok,” pakikiramay na salita ng mambabatas.
Si Oducado ay kilala sa pagiging Mr.. Tulong kung saan subok na ito sa pagbibigay ng ttulong sa makakayanan.
“Ito ay malasakit para sa taong bayan. At tulong natin sa ating gobyerno na nagsisikap maisaayos ang lahat,” pagtatapos ni Oducado.