Advertisers
NAKAPAGTALA ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng 1,051 deboto na nasaktan o nabigyan ng agarang pangangalagang medikal habang nagpapatuloy ang Traslacion procession nitong Biyernes, Enero 9.
Sa 4:19pm tally nito, tumugon ang DRRMO sa 21 major cases, 648 minor cases, 517 cases na inasikaso ng Philippine Red Cross (PRC) members, 235 deboto na dinaluhan ng volunteers, at 299 na inasikaso ng DRRMO.
Habang sinusulat ang balitang ito, sinabi ng mga opisyal na inaasahan nilang tataas pa ang bilang na ito dahil malapit na ang Andas sa San Sebastian Church para sa tradisyunal na “Dungaw,” isang maka-saysayang gawi sa pagitan ng San Sebastian Basilica at Quiapo Church.
As of 5:54 p.m. parami nang parami ang mga deboto na patuloy na lumalapit sa imahe ng Jesus Nazareno sa kahabaan ng Arlegui Street, kaya napilitang tumigil ang mga Andas.