Advertisers
SINABI ng pamunuan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno na mas kakaunti ngayon ang lumahok sa taunang Traslacion.
Posibleng aabot pa rin naman ito sa humigit-kumulang sa isang milyon ang kabuuang bilang ng crowd mula sa isang araw na aktibidad sa Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church ngunit hindi umano tulad ng nagdaang taon.
Napansin din ang mabagal na pag-usad ng andas ng Traslacion dahil na rin umano sa mga grupo ng mga kabataan na agresibong gustong makahawa sa lubid at makasampa sa Andas.
Bukod pa sa sumasalubong ang mga deboto at kanya-kanyang unahan sa paghawak sa lubid kaya umatras-abante ang Andas na lalong nagtatagal sa usad.
Pagdating naman sa oras ng itatagal ng prusisyon ,sinabi ng Quiapo Church na maaring matagalan din o kumpara sa nakalipas na taon dahil sa bagay nga ng usad nito na halos tumatagal ng ilang oras na hindi gumagalaw sa isang lugar.
Patuloy naman nanawagan ang mga organizers ng Nazareno 2025 sa mga deboto lalo na sa mga kabataan na iwasan na ang pagsalubong at pagsampa sa andas upang mas mabilis ang daloy ng prusi-syon.
Paalala ng Simbahan, ang tamang pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Poong Jesus Nazareno ay ang pagsunod sa mga alituntunin na itinakda ng pamunuan ng Quiapo church at iba pang ahensya ng gobyerno kabilang ang pamahalaang lungsod ng Maynila .
Bandang alas-3:02 ng hapon ay umabot na sa 681,650 ang bilang ng crowd estimate base sa tala ng Command Post ng Quiapo Church kung saan ang lokasyon ng Traslacion ay nasa bahagi pa lamang ng Quezon Blvd North bound kanto ng Arlegui St.Gagalangin Quiapo, Maynila.
Alas-3:58 ng madaling-araw nang magsimulang umarangkada ang Traslacion mula sa Quirino Grandstand at inaasahang makakabalik ng Dambana ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno bago ang alas-12 ng gabi. (Jocelyn Domenden)