Advertisers

Advertisers

83 ILLEGAL ALIEN, SINALAKAY NG BI SA BACLARAN MALL

0 16

Advertisers

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang 83 dayuhang negosyante mula sa isang retail center, Baclaran Shopping Mall sa lungsod ng Pasay.



Ayon sa ulat ni BI Intelligence Division Chief Fortunato ‘Jun’ Manahan Jr., isinagawa ang operasyon noong Enero kasunod ng mga linggo ng surveillance at verification. Nag-ugat ang raid sa intelligence report na natanggap ng BI sa presensya ng mga dayuhang negosyante na nagsasagawa ng retail operations sa lugar.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng BI noong Miyerkules ng umaga sa isang retail center sa Baclaran, armado ng mission order mula kay BI Commissioner Joel Anthony Viado.



Kabilang sa mga naaresto ang 68 Bangladeshi nationals, 14 Chinese nationals, at isang Indian national. May kabuuang 81 lalaki at 2 babae sa grupo.

Ang mga dayuhan ay nahaharap sa mga kaso para sa mga paglabag sa Immigration kabilang ang undocumented stay, misrepresentation, at paglabag sa Republic Act No. 8762 o ang Retail Trade Liberalization Act, na nagbabawal sa mga dayuhan na makisali sa retail trade nang walang authority, anuman ang kanilang visa status. (JOJO SADIWA /JERRY TAN )