Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Tuloy-tuloy ang papuring tinatanggap ni Julie Anne San Jose mula sa kapwa singers nito – mapa local o international man! Katunayan, nabanggit ng award-winning singer-songwriter na si Josh Groban na gustong nitong maka-collaborate ang Kapuso actress at Asia’s Limitless Star.
Sey ng international singer sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “[I hope to collaborate with] Julie Anne San Jose, who’s an incredible singer and would love to meet her and sing with her at some point.” Ito ay matapos ring ipahayag ni Josh ang kanyang paghanga sa mga singer sa Pilipinas. “You have such incredible artists as well in the Philippines that are so inspiring, some incredible singers in the Philippines. I have actually not ever met somebody from the Philippines who didn’t, at least a little bit, have an amazing voice,” sey pa nito.
Matatandaan na nagkaroon si Josh ng project kasama sina The Clash coach at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Pride of the Philippines Lea Salonga.
Hirit tuloy ng fans ni Julie, “I couldn’t agree more Julie Anne San Jose is an incredibly talented singer. I love her so much!”
Magkakaroon nga kaya ng chance para sa isang collab between Julie Anne at Josh sa pagdating nito sa Pinas para sa kanyang GEMS World Tour at the SM Mall of Asia Arena ngayong February 18? Exciting!
Rochelle, lubos ang pasasalamat sa mga ‘pinalaki’ ng SexBomb!
Grabe ang ugong ng pagbabalik ng SexBomb Girls! Ang back-to-back sold out “Get, Get Aww” concert noong Disyembre lang ay nasundan agad ng “Rawnd 3” at “Rawnd 4.”
Kamakailan nga ay nag post ang Sparkle at SexBomb dancer na si Rochelle Pangilinan na magkakaroon na sila ng Finale sa February 6 matapos ang success ng mga concert. Pero wala pang isang oras ay nagdemand na agad ang fans ng isa pang araw dahil sa mabilis na naubos ang ticket. Nitong Huwebes (Jan. 8), personal pang pumunta si Rochelle sa ilang mall na nagbebenta ng tickets upang magpasalamat sa mga nakapila.
Share nito sa kanyang socmed account: “Maraming salamat sa lahat ng pumila sa SM North!! Ako po ay personal na nagpapasalamat sa inyong effort!! Next stop.. @moaarena”
Bukod sa pag-iikot sa mga mall ay patuloy si Rochelle sa pagpo-post ng pasasalamat sa fans.
Ang ilang netizens humirit tuloy: “Pwede po ba hanggang RAWND 10!!!!”, “Kaya niyo ba yung 1 month concert? ?? Parang di kaya to ng rawnd 4 lang.”
Abangan ang “Get, Get Aww The SexBomb Concert rAWnd4” ngayong February 6 at 7 sa SM Mall of Asia Arena!
GMA Pictures, may nilulutong bagong pelikula
Bukod sa mga na-announce na lineup ng films for 2026, mukhang may mga inilalatag pang pelikula ang GMA Pictures ngayong taon.
Sa post ng GMA Pictures sa kanilang official social media accounts, ibinahagi nito ang pagpirma nito ng kontrata kasama si former Governor Chavit Singson para sa bagong movie co-production. Present sa naturang contract signing sina GMA Pictures President Annette Gozon-Valdes at Pinky Tobiano. Naroon rin ang ilang artista under Sparkle GMA Artist Center na sina Shuvee Etrata, Faith da Silva, Bianca Manalo, Skye Chua, Tim Yap, Betong Sumaya,Vanessa Peña, Alethea Ambrosio, at Jade Tecson. Wala pang ibang detalye na inilalabas tungkol sa nasabing proyekto pero inaabangan na ito ng fans ng mga nasabing artist.
Bukod sa pagpro-prodyus ng sarili nitong mga pelikula ay very open talaga ang GMA sa pagko-collab sa ibang movie producers. Last year ay ipinalabas ang “Everything About My Wife” na co-produced with CreaZion Studios at Glimmer Studio, at ang MMFF entry na “Love You So Bad” co-produced with Star Cinema at Regal Films. This year ay aabangan ang horror film na “Huwag Kang Titingin” na co-produced naman with Mentorque Productions.
Stars ng upcoming Kapuso shows, maghahatid ng good vibes sa Lipa
Masayang umpisa ng taon ang bubungad sa mga Kapusong Lipeño dahil dadayo ang ilang stars ng upcoming Kapuso shows sa Lipa City, Batangas para magdala ng all out entertainment ngayong Linggo, January 11.
Maghanda sa isang exciting at energy-filled afternoon dahil makikisaya ang cast ng “Born To Shine” na sina Zephanie, Olive May, Gaea Mischa, at Miggs Cuaderno sa Kapuso Mall Show na gaganapin sa Robinsons Lipa, Lipa City, 4 ng hapon. Lalo pang magiging unforgettable ang hapon dahil makakasama rin nila ang “Apoy sa Dugo” stars na sina Thea Tolentino, Larkin Castor, Patricia Coma, at Fonzi, pati na rin si Sparkle star Kaloy Tingcungco na magsisilbing host ng mall show.
Kaya, kita-kits, mga Kapusong Lipeño! Abangan din ang pag-ere ng “Born To Shine” at “Apoy sa Dugo” ngayong taon sa GMA!