Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
Suporta para sa mga deboto, CC6 at Funbingo nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo
SA diwa ng Pasko, pananampalataya, at malasakit sa kapwa, patuloy na pinatutunayan ng CC6 at Funbingo na ang isang trusted online casino ay higit pa sa libangan—ito ay isang tunay na katuwang ng komunidad.
Noong December 25, 2025, nagsagawa ang CC6 at Funbingo ng isang Christmas outreach activity sa Lawton, Metro Manila, na nagbigay ng saya at Pamasko sa mga pansamantalang walang matutuluyan, partikular sa mga naninirahan sa ilalim ng tulay.
Layunin ng aktibidad na maghatid ng kaunting ginhawa, pag-asa, at saya sa mga kapatid nating patuloy na humaharap sa hirap ng buhay, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.
Sa pamamagitan ng cash donations, chicken meals, at groceries, naiparamdam ng CC6 at Funbingo team na may nagmamalasakit at handang tumulong. Higit sa materyal na tulong, dinala rin ng grupo ang pakikinig, respeto, at taos-pusong malasakit—isang paalala na ang Pasko ay para sa lahat.
Bukod dito, buong buwan ng Disyembre, ang CC6 at Funbingo team ay nagsagawa ng weekly gift-giving activities sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang pasayahin ang mga kabataan. Para sa organisasyon, ang mga bata ang simbolo ng Kapaskuhan—sila ang nagbibigay ng pag-asa, ngiti, at inspirasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Bilang pagpapatuloy ng kanilang adbokasiya, noong January 9, 2026, ang CC6 at Funbingo ay nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Metro Manila. Sa ilalim ng panawagang: “Viva Nazareno! Suporta para sa Deboto” ang kanilang team ay nagbigay ng libreng tubig at pagkain bilang tulong at suporta sa libo-libong debotong nakilahok sa prusisyon.
Sa kabuuan ng kanilang mga outreach at Traslacion-related activities, mahigit 15,000+ beneficiaries na mga deboto at miyembro ng komunidad ang napaglingkuran ng CC6 at Funbingo, patunay ng tuloy-tuloy at makabuluhang malasakit sa bayan.
Binigyang-diin ito ni Rhen Escaño, Brand Ambassador ng CC6 at Funbingo, na nagsabing: “Ang tunay na diwa ng Pasko at pananampalataya ay makikita sa pagkakaisa at malasakit sa kapwa. Ikinararangal kong maging bahagi ng CC6 at Funbingo—organisasyong handang tumulong at magbigay-suporta, lalo na sa mga taong nangangailangan at sa mga debotong patuloy na nagpapakita ng tibay ng pananampalataya.”
Naniniwala ang CC6 at Funbingo na ang patuloy na pakikilahok sa mga gawaing panlipunan at pangrelihiyon ay mahalagang bahagi ng pagiging responsableng organisasyon—isang organisasyong hindi lang nagbibigay-saya, kundi may puso para sa tao at komunidad.