Advertisers
Ni Favatinni San
ILANG taon na ring nilalabanan ni Kris Aquino ang kanyang karamdaman. Pandemic pa lang ay maysakit na ang TV host at aktres. Una siyang ginamot ng mga Filipino expert doctors, ngunit hindi pa rin bumuti ang kanyang kalagayan.
Nagpagamot na rin si Kris sa Singapore at United States, kung saan mga dalubhasang doktor ang sumuri sa kanyang iniindang auto-immune disease. Kahit masakit sa katawan at bulsa, tiniis ni Kris ang lahat ng gamutan. Ayon sa kanya, ayaw pa niyang sumuko lalo na alang-alang sa kanyang mga anak na sina Bimby at Josh.
Noong 2023, isang radio broadcaster ang nagsabing naibahagi niya sa ere ang suhestiyon ng isang spiritual healer na magpatingin si Kris sa alternatibong gamutan. Ayon sa nasabing healer, maaari raw siyang “tawasin.”
Kamakailan, muling umingay ang usapan matapos hayagang sabihin ng isang babaeng manghuhula sa social media na umano’y nakulam si Kris. Iginiit pa nito na handa raw niyang gamutin ang aktres kahit sampung piso lang ang ibayad sa kanya.
Sa kasalukuyan, patuloy ang gamutan ni Kris at madalas itong nasa ospital. Ayon sa ilang pahayag, ramdam daw ni Kris na may taong may matinding galit sa kanya.
Noon pa man, karaniwan na sa ilang Pilipino ang pagpapagamot sa albularyo o spiritual healer, lalo na kapag pakiramdam ay hindi na kaya ng medisina ang karamdaman.
Malapit na ang kaarawan ni Kris sa Pebrero 14, at hangad ng marami ang kanyang tuluyang paggaling. Ika nga ng kanyang mga tagahanga, ibang-iba raw ang mundo ng showbiz kapag walang Kris TV.
***
Teateo at auditorium, itatayo
LEGACY NI ATE GUY, BUHAY NA BUHAY!
MULING inirehistro ni Ian de Leon ang Nora Aunor Foundation upang ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ina—ang pagtulong at pagpapaaral sa mga kababayan.
Kasama rin sa plano ang pagsisimula ng Ate Guy’s Theater at Auditorium, na magsisilbing alaala at parangal sa yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts.
Hanggang ngayon, hindi pa rin malimot ng mga tagahanga—lalo na ng mga Noranians—ang kanilang idolo. Sa Libingan ng mga Bayani, laging may nakahandang bulaklak at dasal para kay Nora Aunor.
Sa darating na Abril 16, isang taon na ang pagpanaw ng National Artist. May inihahandang mga aktibidad ang Noranians bilang paggunita at patuloy na pagbibigay-pugay sa nag-iisang Superstar.