Advertisers

Advertisers

Murderer at Top 1 MWP, iprinisinta kay Mayor Isko

0 7

Advertisers

Arestado ang isang most wanted person sa Maynila na sangkot sa pagpatay ilang taon na ang nakalipas matapos magtago sa batas.

Ipinrisinta kay Manila Mayor Isko-Moreno Domagoso ang suspek na tinaguriang Top 1 most wanted ng Maynila at ng Manila Police District (MPD) .

Nangyari umano ang krimen noong October ng taong 2023 kung saan taga Tondo ang naging biktima ng suspek.

Kinilala ang suspek na si Prince Etan Cruz , na nahaharap sa kasong murder.Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Muling binigyang-diin ni Mayor Isko , na walang puwang sa bansa lalo na sa lungsod ng Maynila ang mga kriminal o kawatan dahil hindi titigil ang mga kapulisan para sila ay hantingin at hanapin para maaresto at mapanagot sa kanilang mga ginawang krimen.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga opisyales ng MPD sa walang humpay nilang paghahanap sa mga wanted sa batas.

” To the victim to the family i Hope the city government of Manila and Manila Police District will now bring you justice “, ani Domagoso. (Jocelyn Domenden)