Advertisers

Advertisers

Diego nagparamdam kay Coleen

0 14

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Ibinahagi ni Coleen Garcia ang bakasyon nilang mag-anak sa isang resort sa Davao sa kanyang Instagram.

Pinusuan naman ito ng netizens kabilang na ng mga kapwa niya celebrities .

May caption itong:”This made Amari fall in love with sunsets. Core memory unlocked”

Nag-react naman si Diego Loyzaga sa nasabing litrato ni Coleen kasama si Billy at ang anak nilang si Amari.

Komento ni Diego: “I love you.”
May mga nagmamaldita namang nawerduhan sa komento ni Diego na minsan ay naging leading man ng actress.
May mga nagmalisya pang baka may pagnanasa raw ito sa asawa ni Billy dahil sa naging mensahe nito sa actress.
Ito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“@diegoloyzaga sino? Yung si coleen si billy o si amari? Mmmmmmm magulat kami kng si coleen Omg”
“@diegoloyzaga hahaha gamit ba ng baby
mo phone mo?”
“Thought I was the only one who noticed”
“May plano yan mang agaw ng asawa c diegoo kaya cgro hndi naniniwala sa kasal”,sey ng isang handler na may pangalang @labquias.
Resbak naman ni Diego:”@labquias oh para wala ng gulo kung si coleen billy amari o silang lahat yung ini-i love youhan. After ko makita muka mo, nag bago isip ko, naniniwala na ako sa kasal
KASALanan may access ka sa social media sa baluktot mong pagiisip”
Hirit naman ng nasabing netizen.
“@diegoloyzaga ito naman prang d mabirrrooo napansin mo na rin ako, ako nlng iloveyouhan mo.”

***

Bagong mga opisyales ng PMPC Star Awards Inc. naihalal na

Naihalal na ang mga bagong opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. sa ginanap na eleksyon nitong Enero 9 sa opisina ng grupo sa Roces Avenue, Quezon City.

Pinangungunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected President na si Fernan de Guzman. Nagbabalik bilang Pangulo si De Guzman matapos ang maka-ilang beses na rin niyang nakaraang pamumuno upang patuloy na pagsilbihan ang PMPC.

Ang iba pang mga bagong opisyal ay kinabibilangan nina Rodel Fernando, vice president; Eric Borromeo, secretary; Mildred Bacud, assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala, assistant treasurer; Joey Austria, auditor; Evelyn Diao, PRO – English; at Glen Sibonga, PRO – Filipino.

Binubuo naman ang bagong Board of Directors nina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon.

Kinikilala ang PMPC Star Awards, Inc. bilang pinakamatagal na samahan ng showbiz media (entertainment editors, mga kolumnista, bloggers, TV and radio hosts), mula nung itinatag ang organisasyon noong 1960’s. Ang grupo ang nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.

Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Fernan de Guzman, sisikapin niya kasama ang mga opisyales at miyembro ng PMPC na pag-ibayuhin pa ang antas ng lokal na pamamahayag ng industriya ng entertainment, para sa kapakinabangan ng lahat, lalo na para sa maayos na samahan at kapakanan ng buong PMPC.