Advertisers
INARESTO ng mga awtoridad ang isang High-Value Individual (HVI) at nakumpiska ang humigit-kumulang labindalawang (12) kilong pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng PhP 81.6 milyon sa isang drug bust operation sa Pasay City noong Martes ng gabi.
Ang suspek, na kinilala sa alyas na “Farhanie,” 26, ay agad na ipinaalam ang pagkakasalang nagawa at ipinaalam ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa wikang alam niya.
Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap bandang alas-11:00 ng gabi sa Seaside Boulevard, Barangay 76, Pasay City matapos makatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant ang mga operatiba ng PDEG-SOU 3 tungkol sa isang babae na maghahatid ng ilegal na droga sa nasabing lugar.
Agad na kumilos ang mga operatiba ng Sub-Station 10 (MOA), Pasay City Police Station, sa target na lugar sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Joselito M De Sesto, Chief of Police, Pasay CPS.
Sa lokasyon, positibong nakilala ng mga operatiba ang isang babaeng tumutugma sa ibinigay na deskripsyon kung saan nakita sa pag-iingat ng suspek ang dalawang berdeng eco-bag na may nakatagong anim (6) na malalaking heat-sealed vacuum packs na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na pinaghihinalaang shabu, na ang bawat pakete ay tumitimbang ng humigit-kumulang dalawang (2) kilo.
Ang suspek ay sinampahan ng kaukulang kaso sa Pasay City Prosecutors office. (JOJO SADIWA)