Advertisers
Inihain ni Quezon City 4th District Rep. Jesus Manuel “Bong” C. Suntay ang House Bill No. 7021, isang panukalang batas na naglalayong i-amend ang Fire Code of the Philippines (RA 9514) upang i-harmonize ang fire safety enforcement sa Ease of Doing Business Act (RA 11032) at linawin ang proseso sa pagitan ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) at Mayor’s Permit(!).
Sa mga nakalipas na araw, may mga ulat at reklamo mula sa business sector at LGUs tungkol sa kalituhan at alleged irregularities sa ilang fire safety inspections at permit processing.
Kamakailan, kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsasampa ito ng kaso laban sa mga opisyal ng BFP na sangkot sa umano’y iregularidad sa procurement.
“The Department of the Interior and Local Government (DILG) will file complaints against an initial 20 Bureau of Fire Protection (BFP) senior officials suspected of rigging the bidding processes for the procurement of fire safety equipment,” ayon sa ulat.
Dagdag pa ni Interior Secretary Jonvic Remulla: “I will file it before the Ombudsman in due time after proper case buildup.”
Ibinunyag rin ng Kalihim na siya mismo ay inalok umano ng ?1.5 milyon na ‘cut’ sa bawat firetruck na bibilhin ng BFP—isang alegasyong lalong nagpapatibay sa pangangailangan ng mas malinaw, mas transparent, at mas rule-based na sistema.
Sa ilalim ng HB 7021, malinaw na tinatanggap na magkaiba ngunit magkaugnay ang mandato ng LGUs at ng BFP. Ang LGUs ay may sariling police power at responsibilidad sa business permitting, habang ang BFP ay may hiwalay at malinaw na tungkulin sa inspeksiyon at pagpapatupad ng fire safety standards. Layunin ng panukala na maiwasan ang overlap at kalituhan na nagdudulot ng pagkaantala sa permit processing at nagbubukas ng puwang para sa discretionary practices.
“Ang LGU autonomy ay hindi dapat nasasagasaan dahil sa procedural ambiguity,” ani Cong. Suntay. “Kapag malinaw ang hangganan ng kapangyarihan ng bawat ahensiya, mas mabilis ang serbisyo, mas ligtas ang publiko, at mas kaunti ang puwang para sa pang-aabuso.”
Ayon kay Cong. Suntay, malinaw ang layunin ng HB 7021: palakasin ang fire safety, habang tinatanggal ang gray areas na puwedeng pagmulan ng pang-aabuso at katiwalian.
“Hindi kailanman pwedeng ikompromiso ang kaligtasan sa sunog,” ani Cong. Suntay. “Pero dapat malinaw, patas, at may due process ang pagpapatupad ng batas. Kapag malinaw ang rules at timelines, nababawasan ang pagkakataon para sa abuso.”
Ano ang itinataguyod ng HB 7021?
• Iginagalang ang awtonomiya ng LGUs sa pag-iisyu at pag-renew ng Mayor’s Permit, alinsunod sa kanilang police power.
• Nililinaw na ang kawalan ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) ay hindi awtomatikong dahilan para i-deny o i-hold ang Mayor’s Permit, maliban kung may written finding ng imminent danger to life and property mula sa BFP.
• Harmonized ang proseso sa Ease of Doing Business Act (RA 11032), na may malinaw na notice, timelines, at due process.
• Pinapanatili at pinapalakas ang kapangyarihan ng BFP sa inspeksiyon, abatement, at closure kapag may tunay na panganib.
“Hindi ito pagbawas ng kapangyarihan,” dagdag ni Cong. Suntay. “Ito ay pag-aayos ng sistema—para malinaw kung sino ang may anong mandato, at para gumana ang gobyerno bilang isang buo.”
Sa kabuuan, ang HB 7021 ay naglalayong maglatag ng mas malinaw, mas makatarungan, at mas accountable na regulatory framework—kung saan ligtas ang publiko, nirerespeto ang LGU independence, at pinapahina ang mga kondisyong nagbubunga ng korapsyon. (Cesar Barquilla)