Advertisers
DUMATING na ang pinakaaabangan ng lahat: ang paglabas ng arrest warrant laban sa “untouchable” gambling lord, Atong Ang.
Oo! Nag-isyu na nitong Miyerkoles, Enero 14, ng arrest warrant ang Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court (RTC) Branch 26 laban kay Atong at 17 pa kaugnay ng kaso ng
“missing sabungeros”.
Ang warrants ay konektado sa non bailable charge ng kidnapping with homicide. Araguy!!!
Ang missing sabungeros ay nangyari sa pagitan ng 2021 at 2022, kasagsagan ng Pitmaster online sabong ng grupo ni Atong.
Ayon sa mga tumatayong testigo na mga dating closed security ni Atong, dinukot ang higit 100 sabungeros dahil sa ‘game fixing’ o pangtsu-tsupi ng mga ito sa pasabong ni Atong.
Pero ang higit na nabigyan ng atensyon dito ay ang pagkawala ng 34 sabungeros na dinukot mismo sa mga sabunggan ni Atong sa Laguna at sa Maynila, base narin sa mga nakalap na CCTV footage malapit sa sabungan.
Kabilang sa mga sangkot ay mga pulis, na nagseserbisyo rin kay Atong, at kanyang mga closed security na nagdiin sa kanya ngayon sa karumal-dumal na kaso.
Ayon sa mga testimonya ng testigo, magkapatid na Patindongan, inutusan sila ni Atong na dukutin ang naturang mga sabungero. Dinala sa Laguna at kinatay, tapos inihulog sa Laguna Lake na mayroong pabigat na bato.
Ang mga testimonyang ito ng mga closed security ni Atong ang pinaniwalaan ng korte para maglabas ng arrest warrant.
Ang tanong: Maaresto kaya si Atong? Eh may sapat itong resources para magtago tulad nina Col. Bantag, ex-Rep. Zaldy Co, at Sen. Bato Dela Rosa.
Sina Bantag, Co at Dela Rosa ay pawang may arrest warrant. Hirap ang mga awtoridad na mahuli sila. You know!!!
***
Napakasarap ng buhay nitong mga kamag-anak ni Sen. Bato sa Senado. Sumusuweldo sila kahit walang trabaho. Kasi nga hindi naman nagtatrabaho na si Bato, pero sumasahod ng higit P350K kada buwan. Unfair ito sa taxpayers. Mismo!
Lahat pala ng staff ni Bato ay mga kaanak at kama-anak niya. Ang kanyang chief of staff ay kanyang anak (Marianne Kristel), ang direktor ll ay anak din niya (Mona Lisa), ang nagsu-supervise sa political affairs kuno ay kanyang sister (Ruvy Ann), ang 3 supervising legislative staff ay kanyang mga pamangkin (Jessica May, Joanne Cedie at John Kerwin), nandun din ang kanyang mga bayaw at hipag (Jose Erwin, Ronald Yambao, Rebecca at Jennifer). Walang kawala ang grasya sa kanila. Hehehe…
Ngayong wanted si Bato sa International Criminal Court (ICC), ang kanyang mga staff kuno ay nagpapalamig nalang sa kanyang tanggapan, naghihintay nalang ng suweldo at mga benepisyo para sa tanggapan ng senador. Sarap buhay nila, noh?
Well, sabi nga: Ang lahat ay may katapusan. Mismo!