Advertisers

Advertisers

Gunman ng ABC prexy ng Bulacan arestado

0 142

Advertisers

NADAKIP sa manhunt operation ng mga awtoridad ang dating CIDG Officer na responsable sa pag-ambush at pagpatay sa dating ABC President ng Bulacan na si Ramilito Capistrano at driver nito na si Shedrick To-ribio noong Oktubre 3, 2025 sa Barangay Ligas Malolos City, Martes ng umaga ng Enero 14, 2026 sa Brgy. Tres Krusis, Tanza, Cavite.



Sa report ni Chief Intel. Lt. Colonel Russel Dennis Re-bonario kay PNP Provincial Director, Col. Angel Garcil-lano, kinilala ang nadakip na si Ulysis Hernani C. Pascual, dating officer ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakatalaga sa Camp Crame.

Una nang nadakip ng intel operatives si alyas “Lupin” sa Navotas City kamakailan na sangkot rin sa pag-ambush kay Capistrano.

Samantala, patuloy ang manhunt operation laban sa dalawa pang suspek na sina alyas Cesar Mayoralgo Gallardo Jr., at alyas Jeff.

Nabatid na kapwa sangkot sa kaso ng ‘gun for hire’ ang mga nadakip na suspek sa Gitnang Luzon at karatig probinsya.

Kasabay nito, muling ipinaalala ni PRO3 Director, Brig. General Ponce Rogelio Peñones Jr., sa publiko na mahalaga ang koordinasyon ng mga sibilyan at pulis upang matukoy at malutas ang mga kasong may kinalaman sa iba’t ibang krimen.

Tiniyak naman ni Gobernor Daniel R. Fernando, na walang puwang ang karahasan sa probinsya, maging sa pamilya ng mga biktima na hindi titi-gil ang PNP sa paghahanap sa dalawa pang suspek, at sa mastermind ng ambush upang mapanagot sa karumal-dumal na krimen.(Thony D. Arcenal)