Advertisers

Advertisers

Usec. Castro nagpasaklolo sa NBI

0 8

Advertisers

NAGTUNGO si Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City nitong Martes, January 13, para i-report at iparekord ang Facebook post ng Luminous by Trixie Cruz Angeles & Ahmed Paglinawan na umano’y banta sa kaniyang buhay.

“Sinabi kasi nila na kapag, ‘Nilaglag ka ng humans mo, appendix at coccyx mo lang ang walang latay, resulta ng mga pinaggagawa mo,'” pagbasa ni Castro sa naturang post na nai-publish ng Jan. 2.



Ipinagbigay-alam niya ito sa NBI para kung sakali may mangyari sa kaniya, naka-report ang sinasabing post at mga taong nasa likod nito.

Lumabas ang post matapos ang kaniyang “Chucky” remark kay Vice Pres. Sara Duterte noong Disyembre.

Aminado si Castro na natakot siya nang makita ang post.

“Hindi po nadadaan ang anumang diskurso sa pagbabanta sa buhay, ‘yung pagiging bayolente. Huwag nilang gayahin ang mga idolo nila,” mensahe niya sa mga nasa likod ng post.