Advertisers

Advertisers

Pangulong Marcos, pinuri ang mga Pilipino sa UAE

0 7

Advertisers

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Filipino community sa United Arab Emirates (UAE) sa kanilang malaking ambag sa kaunlaran ng kanilang host country at ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mahigit 700 Pilipino sa InterContinental Hotel sa Abu Dhabi, tinawag ni PBBM ang mga overseas Filipino workers (OFWs) bilang “pinagmumulan ng dangal at karangalan” ng bansa.



Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga Pilipino sa pag-unlad ng UAE mula pa noong 1971, at kinilala ang kanilang kasipagan, tibay ng loob, at mabuting halimbawa sa trabaho at komunidad.

Aniya, ang UAE ay tahanan na ngayon ng isa sa pinakamalalaking Filipino communities sa Gitnang Silangan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">