Advertisers

Advertisers

AMYENDA NG EPIRA NA BINANGGIT NI PBBM SA SONA, NAUMPISAHAN NA NG ENERGY COMMITTEE NI SEN. ERWIN TULFO

0 14

Advertisers

Tayo po ay nagagalak na nabanggit ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikalimang SONA ang ilan sa mga mariin nating ipinaglalaban sa Senado.



Ito ang tinuran ni Senator Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Energy, kaugnay sa binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA), kung saan binatikos niya ang pagpapasa ng ‘systems loss’ charges sa mga consumer kasama pa ang 12 percent value added tax, gayung hindi naman umano ito kasalanan ng mga consumer.

“Una, ang problema sa labis na pagtaas ng singil sa kuryente. Bilang kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Energy, inumpisahan na po natin ang mga pagdinig sa EPIRA Law amendments. Sisikapin po nating maisabatas ito at tuluyan nang tanggalin ang dagdag pasakit sa konsyumer kagaya ng system loss charge at buwis,” ani Senator Tulfo.



Dagdag pa niya na bilang tagapangulo rin ng Blue Ribbon Committee, patuloy din umano ang pag-iimbestiga sa mga maanomalyang flood control projects.

“Uumpisahan po natin kaagad ito sa oras na makumpleto na ang mga miyembro ng ating komite. Maliban diyan, iimbestigahan na rin po natin ang korapsyon sa ibang ahensya, tulad po ng mga kickback schemes sa pagkuha ng environment-related permits at marami pang iba,” pagtitiyak pa ni Sen. Tulfo. (JERRY S. TAN)