Advertisers

Advertisers

Atong Ang binawian ng lisensiya sa baril – PNP

0 15

Advertisers

BINAWI ng Philippine National Police (PNP) ang firearms license ng gaming tycoon na si Atong Ang, na kasalukuyang hinahanap ng ilang kaugnay na kaso sa pagkawala ng sabungero sa bansa.

Ayon kay CIDG Director, Major General Robert Alexander Morico II, inaprubahan mismo ng Chief PNP ang rekomendasyon nila na bawiin ang lisensiya sa baril ni Ang para mas mapabilis ang proseso ng manhunt operation.



Dagdag pa ng opisyal, na-kipag-ugnayan na ang CIDG sa mga abogado ni Ang at ina-tasan ang mga ito na isuko ang mga baril sa Firearms and Explosives Office.

Batay sa rekord ng pulisya, anim na baril ang rehistrado sa pangalan ng mga negosyante.

Matatandaang naglabas na ng warrant of arrest laban kay Ang at iba pa kaugnay ng nabanggit na kaso.

Sa ngayon, si Ang na lamang ang akusadong hindi pa naaresto. Nadakip ang 17 co-accused niya.