Advertisers

Advertisers

‘ATONG ANG ‘DI PAHUHULI!’

0 21

Advertisers

SINABI ng isang dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi magpapahuli si Atong Ang.
Sa Facebook post ni Agent Rick Diaz, dating NBI-National Capital Region (NBI-NCR) chief, sinabi nitong minsan nang nagtago si Atong at ipinahanap ito sa kanya nang makasuhan ng plunder.
“Alam kong hindi pahuhuli ‘yan si Atong Ang. Bakit? Dahil sa historical record niya. Nakasuhan na ‘yan ng Plunder nuon, tumakas pa-punta sa US.
“Pinahanap sa akin ‘yan nuon bilang Chief ng NBI Interpol. Nakita ko agad sa Las Vegas. Ang daming Pilipino sa Las Vegas at marami kaming assets sa LA. Every weekend pumupunta sila sa Las Vegas at nakikita nila si Atong nagsusugal duon,” bahagi ng post ni Diaz.
Ang plunder case ni Atong noon ay may kinalaman sa naging kontrobersyal na kasong plunder ni dating Pangulo Joseph Estrada.
“Ang ginawa natin, hiningi natin sa US na e-extradite siya. To make the long story short, hinuli siya ng FBI habang nagsusugal. Nagpadala na ba siya sa Pilipinas? Hindi! Nilabanan niya ng limang (5) taon ang kanyang extradition habang nakakulong,” kuwento pa ni Diaz.
Dagdag pa ng dating NBI official, umabot ng limang taon bago naipatapon pabalik ng Pilipinas si Atong.
Subalit pagdating sa Pilipinas ay nagkaroon ng aregluhan sa kasong plunder na kinakaharap nito.
“Nagkaroon ng areglo at na-dismiss yung kaso niya. Balita ko merong mga kumita he he. Now tell me, with that kind of historical background, su-surrender ba yan si Atong Ang?, samantalang ‘No Bail’ ang warrant niya at makukulong siya (baka derecho na dahil delikadong maconvict siya).
“Napakaraming pera niyan dahil sa online sabong, hindi lang 200 bilyones pesos! Pahuhuli ba yan? Hindi,” ayon pa kay Diaz.
Nagpahaging din ito kung paano makakalabas ng bansa ang isang tulad ni Atong Ang.
“Tanong, papano siya makakalabas kung binabantayan ang mga airports? Bahala na dyan si Eddie. Eh di sa backdoor, maluwag dun. Tanungin mo nalang sila Alice Guo, Cassandra Ong etc… he he,” ayon pa kay Diaz.
Samantala, naniniwal ang PNP na nasa Pilipinas pa si Ang. Wala raw rekord sa immigration na lumabas ito ng bansa.