Advertisers

Advertisers

Kotse sumalpok sa Truck: 2 patay

0 14

Advertisers

DEAD on the spot ang dalawang binatilyong biktimang edad 18 at 17 anyos matapos na aksidenteng bumangga ang kanilang sinasakyan na Mitsubishi Lancer Sedan na may plakang UBY 626 sa isang Trailer Truck na may plaka sa Tractor Head na NBE 1045 at mayroon Trailer Body Number na CUW 566 bandang 3:30 ng madaling araw sa Diversion Road corner Eco Tourism road, Barangay Bocohan, Lucena City, Quezon.
Kinilala ang dalawang biktima na sina alyas “Ralph”, 17-anyos; at alyas “Rayver”,18-anyos, parehong Senior Hîgh School at kapwa residente sa Barangay Calumpang ng Tayabas City, Quezon.Habang ang suspek na driver ng truck ay kinilalang si alyas “Alaln”, 54-anyos, residente ng Gumaca sa Quezon.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad lumalabas na papaliko sa kaliwang direksyon ang truck patungo sa Eco-Tourism ng aksidenteng salpokin umano sa likurang bahagi ng sasakyan ng dalawang biktima na kaagad binawian ng buhay dahil sa mga tinamong pinsala sa kanilang mga katawan at ulo ayon na rin sa mga rumespondeng tauhan ng Lucena City Rescue Team at Bureau of Fire Protection (BFP).
Pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng Lucena City PNP ang driver ng trak at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in to Double Homecide and Damage to Property. (Koi Laura)