Advertisers

Advertisers

DoJ aakuin ang kostudiya ni Alcantara

0 6

Advertisers

PLANO ng Department of Justice (DOJ) na makuha ang kustodiya ni Public Works engineer Henry Alcantara ngayong linggo.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Fredderick Vida sa ambush interview ng mga mamahayag sa DOJ Martes ng hapon.



Ayon kay Vida, magsusumite pa sila ng pormal request sa Senado para makuha si Alcantara na ngayon ay isilailalim sa Witness Protection Program (WPP) bilang isang state witness kaugnay sa maano-malyang flood control projects.

Kasalukuyang nakapiit si Alcantara sa detention facility ng Senado.

Tumanggi si Vida na sabihin kung saan idedetine si Alcantara dahil sa security concerns.

Aniya, critical witnesses ang mga ito na hawak ang mga mahahalagang ebidensya para patunayan ang mga kaso laban sa mga inakusahan kaya da-pat mag-ingat.(Jocelyn Domenden)