Advertisers

Advertisers

Kampo ni Atong Ang isinuko ang mga baril sa mga pulis

0 10

Advertisers

Bilang pagsunod sa batas isinuko ngayon ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang kanyang mga baril sa mga awtoridad matapos bawiin ang kanilang mga lisensya ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP).

Nabatid sa kanyang liham kay PBGEN Jose DJ Manalad Jr., acting FEO chief, na may petsang Enero 20, 2026, ang mga kopya nito ay nakuha ng mga newsmen na sumusubaybay sa kaso, sinabi ng abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal, na nai-turn over na ang mga armas ng kanyang kliyente sa Mandaluyong Police Station.



“Bilang tapat na pagsunod sa mga nabanggit na direktiba, at walang pagkiling sa mga remedyo na magagamit niya sa ilalim ng batas, ang aming kliyente ay mapayapang isinuko ang mga sumusunod na baril sa pamamagitan ng kanyang awtorisadong kinatawan sa Mandaluyong Police Station, ang pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa kanyang tirahan,” sabi ni Villareal sa sulat.

Kasunod nito itinurn-over sa mga awtoridad nitong Martes, ang Colt rifle ni Ang, 5.56 caliber; Glock 9 mm; Sig Sauer 9 mm; Smith at Wesson .38 kalibre; at Battle Arms Development (BAD) 9 mm pistol.

Kaugnay nito ang isa pang lisensyadong baril ni Ang, isang .260 caliber BAD rifle, ay hindi kasama sa mga isinuko sa mga awtoridad dahil nawala ito noong Oktubre 2025, sabi ng liham.

“Inilakip namin dito ang affidavit of loss na isinagawa ni Mr. Ang noong Oktubre 2025 na nagpapatunay sa mga pangyayari na nakapalibot sa pagkawala ng nasabing baril, pati na rin ang blotter report mula sa Mandaluyong Police Station,” paliwanag ni Villareal sa parehong sulat. (Boy Celario)