Advertisers
Arestado ang isang guro ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan sa kasong Acts of Lasciviousness sa Quezon, Isabela,
Kinilala ang naaresto na si alyas Peter, 42 taong gulang, may asawa, at guro, residente ng Brgy. Barucboc, Quezon, Isabela.
Isinagawa ang operasyon 8:20 ng umaga nitong Martes, Enero 20, 2026, sa nasabing barangay.
Inaresto si Peter sa kasong Acts of Lasciviousness na may kaugnayan sa RA 7610.
Maayos na ipinatupad ang Warrant of Arrest laban sa akusado na inilabas noong Enero 19, 2026 ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 23, Roxas, Isabela, na may inirekomendang piyansa na Php 180,000.00. Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon Police Station bago ang pormal na turn-over sa korte na pinagmulan ng kaso.(Fidel A. Coloma)