Advertisers

Advertisers

ATONG ANG NASA CAMBODIA?

0 9

Advertisers

INANUNSYO ni Department Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na may ulat na nasa Cambodia ang negosyanteng wanted na si Atong Ang.
“May information na nasa Cambodia”, sabi ni Remulla sa panayam ng Dobol B nitong Huwebes, Enero 22.
“But that’s raw information… Kasi nag-set up siya ng online sabong sa Cambodia”, dagdag ng kalihim.
Gayunpaman, naniniwala si Remulla na maaaring nasa Pilipinas parin si Ang, ngunit kasalukuyan narin aniyang pinoproseso ang pagkansela sa pasaporte ng “hari” ng sugal sa Pilipinas.
Samantala, kung makumpirma ang impormasyon, puwedeng hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pag-aresto kay Ang mula sa pamahalaan ng Cambodia.
Nahaharap si Ang sa mga kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping and serious illegal detention’ kaugnay ng mga nawawalang sabungero.
(Mark Obleada)