Advertisers

Advertisers

MGA BIKTIMA NG ROBBERY-EXTORTIONIST SA BINONDO NA DINAKIP NG MPD-STATION 11, MAGSILUTANG NA SANA

0 46

Advertisers

Marami ang nakahinga nang maluwag sa pagkakadakip ng Manila Police District-Station 11 kay Eduardo Chua, 69, ng No. 354 Gunao St., corner Arlegui St., Quiapo, Manila, lalo na ang mga nabiktima niya sa serye ng robbery-extortion activities sa Binondo.

Ang dasal nila ngayon ay mahuli na din sana ang umano ay kasabwat ng suspek na isa pa namang pulis mula sa CIDG Eastern Metro Manila- District Field Unit. Nananatiling ‘at large’ ang pulis na ito na siyang dahilan kung bakit maraming nabiktimang inosenteng negosyante ang suspek na mangingikil.

Sa ulat ni MPD-Station 11 Commander Lt.Col. Inocencio Richard Villanueva, ang suspect ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa isang entrapment operation na isinagawa dakong 8:15 ng gabi sa loob ng McDonald’s Fastfood Restaurant sa Juan Luna Street sa Plaza Ruiz, Binondo, Maynila.

Sinabi naman ni MPD spokesman Maj. Philipp Ines na kasong paglabag sa Article 293 ng Revided Penal Code (Robbery-Extortion) habang ang isinampa laban sa suspek matapos ang entrapment na batay naman sa reklamong isinampa ng isang 44-anyos na Chinese-Filipino property manager na naka-base din sa Binondo, Maynila.

Nakuha mula sa suspect ang P200,000 at isang cellphone nang madakip at ang pag-proseso sa kanya ay isinagawa naman nina PMSg Ryan DL Fortich, PSSg Mark Anthony Alata,Duty STOC at PCapt. Florante Raquino, Jr.

Itong si Chua ay nakapambiktima na ng maraming negosyante na nagagawa niyang takutin dahil nga may ‘back up’ siya na pulis-CIDG.

Sa pangingikil ay gamit daw nito ang bank account na nakapangalan sa kanya. Doon daw pinade-deposit ang perang kinikikil sa mga kawawang negosyante.

Sana ay maraming tumalima sa panawagan ni Maj. Ines na kung sino pa ang nabiktima nitong si Chua ay lumutang at magsampa din ng kaso para mabulok na sa kulungan ang suspek na ang paborito pang biktimahin ay mismong kapwa niya Chinoy o Chinese-Filipino. Napakawalanghiya.

Sana din ay madakip na sa lalong madaling panahon ang pulis na kasabwat ni Chua dahil isa siyang malaking batik sa kapulisan at para maalis ang agam-agam na hindi ito madadakip dahil nga pulis din ito.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.