Advertisers
SINABI ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Bi-yernes na pinag-aaralan ni-yang dagdagan ang P10 mil-yong pabuya para sa impormasyong magtuturo sa pag-aresto sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na may mga arrest warrant kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
“Malapit na. Kung ako mapikon talagang dadag-dagan ko na ‘yan,” sinabi ni Remulla sa isang panayam.
Inanunsyo ni Remulla noong nakaraang linggo ang P10 milyong pabuya para sa impormasyong hahantong sa pag-aresto kay Ang.
“Any information leading to the conclusive arrest of Atong Ang will merit a P10-million reward,” ayon sa kanya. Dagdag pa niya, “No questions asked. Basta ikaw yung nagbigay ng impormasyon leading directly to the arrest ay P10 million na reward para sa kanya.”
Ayon kay Remulla, itinutu-ring niyang number one most wanted sa bansa si Ang dahil sa pagkakasangkot nito sa pagpatay sa mahigit 100 nawawalang sabungero.
Sinabi rin ni Remulla na may mga ulat na posibleng nasa Cambodia si Ang.
“May information na nasa Cambodia. But that’s raw information… Kasi nag-set up siya ng online sabong sa Cambodia,” anang DILG chief Gayunman, iginiit ni Remulla na kumpiyansa ang mga awtoridad na nasa Pilipinas parin si Ang.
Sinabi ni Remulla na ang whistleblower na si Julie Patidongan ang nagbigay ng impormasyon na posibleng nasa hangganan ng Cambodia at Thailand si Ang.
Nauna nang sinabi ni Patidongan na hindi kusang susuko si Ang dahil ito ay “not an ordinary person”, at idinagdag na “international ang kanyang grupo”.
Ayon kay Remulla, kung totoo mang nasa ibang bansa si Ang, maaaring dumaan ito sa mga backdoor route. “As far as the BI (Bureau of Immigration) is concerned… all our airports and ports of entry and ports of exit, hindi siya dumaan doon. That’s for sure,” aniya.
Mahigpit na nagsasagawa ang mga awtoridad ng operasyon sa 14 posibleng pinagta-taguan ni Ang, kabilang ang mga huling operasyon sa Ca-vite at Pampanga.