Advertisers

Advertisers

Makabayan isasampa uli ang impeachment vs VP Sara

0 10

Advertisers

HANDA umano ang Makabayan bloc na muling isampa ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte matapos ibasura ng Supreme Court En Banc ang Motion for Reconsideration ng House of Representatives na kumukwestyon sa naunang desisyon ng Korte na idineklarang hindi valid ang mga artikulo ng impeachment.

Ayon sa Makabayan bloc lawmakers, pinahirapan ng SC ruling ang tinaguriang “fast track” na proseso ng impeachment ng liderato ng Kamara, kaya mas mahirap na ngayon panagutin ang mga mataas na opisyal.

Gayunpaman, nananatiling valid ang mga alegasyon laban kay VP Duterte, kabilang ang diumano’y paglabag sa tiwala ng publiko, maling paggamit ng confidential funds, at pattern ng pang-aabuso ng kapangyari- han.



Iginiit ng Makabayan bloc na ang galit at panawagan ng taumbayan para sa pananagutan ay hindi maaaring ma-archive o mabasura at dapat itong dalhin sa angkop na forum upang lumabas ang katotohanan at makamit ang hustisya.

Matatapos sa Pebrero 6 ang one-year bar rule sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">