Advertisers

Advertisers

Zaldy Co wala pang Interpol red notice – NBI

0 11

Advertisers

KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala pang inilalabas ang International Criminal Police Organization (Interpol) na ‘red notice’ laban sa puganteng si dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co.

Ayon kay NBI Spokesperson, Atty. Palmer Mallari, karaniwan ay tatlo hanggang apat na linggo ang proseso sa pag-iisyu ng red notice.

Hindi aniya masabi o matukoy kung bakit natatagalang tugunan ang hiling nila noon pang November 23, 2025.



Pero sabi ni Atty. Mallari, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Interpol hinggil sa nasabing isyu.

Samantala, sinabi ni Atty. Mallari na makikipag-ugnayan narin sila sa mga awtoridad sa Sweden para beripikahin ang impormasyong doon nagtatago ang dating mambabatas.



Dagdag pa ng tagapagsalita ng NBI, tinatrabaho na nila ang ipadadalang liham sa kanilang counterpart doon.

Sa ngayon, patuloy rin aniya ang kanilang koordinasyon sa mga awtoridad sa Cambodia at Portugal kungsaan unang naiulat na nagtatago si Co.



Pero dahil limitado ang mga ahente at pondo ng ahensya, sinabi ni Atty. Mallari na hindi pa sila makapagpapadala ng tauhan sa mga nasabing bansa.