Advertisers

Advertisers

Bebot wanted sa droga, nalambat sa Caloocan

0 11

Advertisers

Arestado ang isang babaeng 48 anyos na tinaguriang #7 Top Most Wanted Person (station level) matapos isagawa ang manhunt operation sa Caloocan City.
Sa ulat kay Northern Police District Director PBGen. Christopher Dela Cruz ni Caloocan Police Chief PCol. Joey Goforth, 12:10 ng madaling-araw ng Lunes , naisilbi ang Warrant of Arrest sa Area D, Barangay 178, Camarin, Caloocan City.
Naaresto si alias ” Rochelle” sa paglabag sa Section 12 (Possession of equipment, instrument, apparatus and other paraphernalia for dangerous drugs )two (2) counts, article 11 of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) .
Ayon kay NPD Director Dela Cruz, inatasan niya ang kapulisan na suyurin at tugisin ang mga wanted na nagsisipagtago sa batas upang makamtan ng mga nabiktima ng mga ito ang hustisya, maging ang pagtugis sa mga lumabag sa iligal na droga at iba pang krimen.(Beth Samson)