Advertisers

Advertisers

Akyat bahay binoga ng negosyanteng nilooban

0 10

Advertisers

BINARIL ng isang negosyante ang akyat bahay gang nang pagnakawan ang isang establisyementong nagsu-supply ng mga itlog at chicken sa Bacoor City, Cavite.
Ginagamot ngayon at naka hospital arrest sa Southern Tagalog District Hospital ang suspek na si alyas Ryna, 30, binata ng Talaba 1, Bacoor City, Cavite dahil sa tama ng kalibre .40 GClock 27 Gen 5 mula sa complainant na si alyas Roberto, 54, negosyante ng Torina Highway, Brgy Habay 1, Bacoor City, Cavite.
Sa ulat, pinasok ng suspek ang DK PRO DUCK na matatagpuan sa Tirona Highway, Brgy Habay 1, Bacoor City, Cavite bandang alas-7:00 kamakalawa ng umaga at nang nakapasok ay tinangay nito ang mga cable wires ng establisyemento, pero nakita siya ng negosyante kaya tumakbo at umakyat sa bubong ng establisyemento pero hinabol ciya at tinangkang sasakin ito dahilan upang gumanti ang complainant at binaril ang suspek.
Nakuha sa suspek ang dalawang kutsilyo, 2 fliers, tsinelas, kulay green na bag na naglalaman ng mga kable na kanyang tinangay at apat na basyo ng kalibre 40 mula sa ginamit na baril ng biktima na kasalukuyang naka-Hospital arrest
Boluntaryo namang isinurender ng negosyante ang ginamit na baril na isang kalibre 40 Clock 27 Gen 5 na baril at isang magazine nito. (Irine Gascon)