Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa naiisyu ng korte ang isa pang warrant of arrest laban sa gambling tycoon si Charlie “Atong” Ang.
Kaugnay parin ito sa kaniyang pagkakadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, inaalam pa nila kung bakit hindi pa nailalabas ng Regional Trial Court (RTC) ng San Pablo, Laguna ang warrant kay Ang.
Hindi masabi ni Fadullon kung may inihaing mosyon ang kampo ni Ang para ipa-walang-bisa ang arrest warrant kaya wala pang inila-labas ang naturang korte.
Nauna nang nag-isyu ng arrest warrant ang RTC ng Sta. Cruz, Laguna; at Lipa City, Batangas kungsaan siya nahaharap sa kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping and serious illegal detention’.
Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad kay Ang, na sinasabing nakalabas na ng bansa sa pamamagitan ng backdoor.
NBI nanindigan nasa Pinas pa si Atong
NANINDIGAN ang National Bureau of Investigation na nasa loob parin ng bansa ang wanted na gambling tycoon, Charlie ”Atong” Ang.
Sa panayam kay Atty. Angelito Magno, acting director ng NBI, kanyang ibinahagi na sila’y naniniwalang nasa Pi-lipinas pa si Ang.
Patuloy, aniya, ang ‘manhunt operations’ ng ahensiya upang matukoy ang lokasyon ni Atong. Nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang mga embahada ng bansa sakali mang meron impormasyon nagsa-sabing nakalabas na ito ng Pi-lipinas.
Subali’t dahil sa kawalan pa ng opisyal na pahayag mula sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration, giit niya’y posibleng nasa Pilipinas parin si Ang.
Tinitingnan aniya ng NBI ang mga impormasyon natatanggap hinggil sa loka-syon o pinagtataguan ng pugante.
Mariin namang itinanggi ng direktor ang patungkol sa alegasyong koneksyon ng ilang tauhan ng kawanihan kay Ang. Kanyang pinabulaanan ang isyu na tangkang nasuhulan ang mga ito, si-nabing walang ganitong ugnayan.
Si Ang ay inisyuhan na ng ‘arrest warrant’ ng Regional Trial Courts ng Lipa, Batangas at Sta. Cruz, Laguna.
Kanyang kinakaharap ang kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping with serious illegal detention’ may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.