Advertisers
NAHAHARAP sa patong patong na kaso ang isang pulis-Manila nang maaresto kasama ang pitong iba sa pagkidnap at pagkarnap sa sasakyan ng isang delivery rider sa Maynila umaga ng Biyernes, ayon sa Philippine National Police Internal Affair Service (PNP-IAS).
Ang naarestong pulis ay may rangong Staff Sergeant na nakatalaga sa District Headquarters Support Unit ng Manila Police District (MPD). Habang ang tatlo sa pitong naaresto ay pawang minor.
Ang biktimang deliver rider ay kinilala sa alias “Crisanto”.
Ayon kay IAS Inspector General Brigido Dulay, nahaharap ang nasabing pulis sa kasong criminal, at ipaghaharap rin ng reklamo ng biktima sa PNP-IAS ng kasong administratibo.
Sa pahayag ni Crisanto, nag-book sa delivery service app ang mga suspek 1:00 ng umaga ng Jan. 30, 2026. Nang puntahan ng biktima ang pick up point ay sinalubong ito ng naka-motorsiklo at pinaparada sa isang madilim na kalsada sa Tondo, at sinabing kukunin ang ikakarga sa sasakyan.
Ayon kay Crisanto, ikinarga sa truck ang isang L300 at inalalayaan sila ng isang pulis na naka-motorsiklo, at dinala sa Cavite ang truck kungsaan ikinarga ang mga kable ng wire na dinala sa Muntinlupa at doon nila pinagpuputol, tapos inilipat nila sa ibang sasakyan, L300 .
Naaresto ang mga suspek sa follow-up operation at nabawi ang cable wire na kinuha sa manhole sa Imus (Mark Obleada)