Advertisers

Advertisers

Kaso ng pagpatay sa policewoman, anak ‘case closed’ – DILG

0 26

Advertisers

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang car dealer at ang kanyang kinakasama ang nasa likod ng pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa walong taon gulang niyang anak na si John Ysmael.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinuturing ding mga suspek ang kapatid ng partner ng car agent at isa pang kasabwat.

Sinisiyasat parin ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng asawa ni Diane na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, na kasalukuyang tinuturing na person of interest.



“Ayon sa aming imbestigasyon, considered case closed na ito at charges will be filed,” pahayag ni Remulla.

Lumabas sa imbestigasyon na ang krimen ay nag-ugat sa isang pumalpak na bentahan ng sasakyan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P450,000.



Huling nakita ang mag-ina Enero 16 at ini-report na nawawala Enero 19.
Natagpuan ang bangkay ni Diane Enero 24 sa isang sapa sa Pulilan, Bulacan, na may tama ng bala sa ulo.

Ang katawan ng kanyang anak ay natagpuan Enero 29 sa isang taniman ng calamansi sa Victoria, Tarlac.



Batay sa paunang ulat ng Southern Police District, papunta ang mag-ina sa Quezon City upang makipagkita sa car agent kaugnay ng bentahan ng sasakyan.

Ayon sa pulisya, inaanak ni Diane ang car agent.

Nagsagawa rin ng search warrant ang mga awtoridad sa bahay ng car agent sa Quezon City, kungsaan huling nakitang buhay si Diane. Dito, may natagpuang bakas ng dugo.

Ayon pa sa pulisya, may isang suspek na nagsabing nasaksihan niya ang nangyari matapos ang pamamaril sa bahay ng car agent at ng kanyang partner gabi ng Enero 16.(Mark Obleada)