Advertisers

Advertisers

P1m reward sa ‘killer’ ng pulis na itinapon sa septic tank

0 54

Advertisers

Nag-alok ng P1 million reward ang Department of Interior and Government (DILG) sa makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakadakip ng pangunahin suspek sa pagpatay kay SSGT Renato Casauay, na natagpuan sa loob nh septic tank sa Malolos City, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Julian Salamat alias Mon, miyembro ng Black Rider Force Multiplier, na siyang bumaril kay Casauay.
“Ang bawat pinapatay, ang bawat buhay po ng pulis ay mahalaga sa amin. Hindi ho namin pinapa-pamenos kung may nangyari sa aming kapulisan. Ginagawa nila ang kanilang trabaho, napakataas ang tiwala ng mga tao sa kanila. ‘Yung mga ganitong klaseng bagay hindi natin pwedeng palusutin,” ayon kay SILG Jonvic Remulla.
“I am announcing a 1 million peso reward for the for information leading to the arrest of Mon Salamat and company,” diin ni Remulla.
Sinabi ni Remulla na ang motibo sa pagpatay kay Casauay ay dahil sa malapit na matukoy ang mga taong nasa likod ng isang sindikato na sangkot sa iligal na droga sa Bulacan kaya’t pinagplanuhan na ang pagpatay sa nasabing pulis.
“According to records namin nung December 24 may operation si Casaway na nag-result sa 50 grams na parang kasama sa operation nitong Salamat. So ang words nung sabi nagiging problema na ito. So ayun ang naging motivation nun,” saad ni Remulla.
Nilinaw ni Remulla na hindi gang ang Black Riders. “Miyembro lang ang mga suspek ng Black Riders Force Multipliers, apparently within that Force Multiplier group na tumutulong sa mga traffic sa PNP na may sariling operation sa loob na hindi naman Black Riders mismo pero mga tao doon involved sa drug distribution.”
Sa kasalukuyan, patuloy ang manhunt operation ng mga otoridad laban sa 7 pang suspek sa pagpatay kay Casauay.
Samantala, inaresto si Cpl Bibencio Abalos dahil sa kabiguan nito arestuhin si Salamat nang umamin sa ginawang pagpatay kay Casauay.
Natagpuan ng mga otoridad ang labi ni Casauay sa loob ng septic tank sa Brgy. Majon. Malolos City, Enero 30, 2026.
Iniulat na nawawala si Casauay nang magpaalam ito sa kanyang asawa na pupuntahan ang asset sa Baliaug , Bulacan noong Jan. 24, 2026.
(Mark Obleada)