Advertisers

Advertisers

HEPE NG TANZA PNP KUNSINTIDOR UMANO SA SUGAL?

0 28

Advertisers

TIYAK na “sasabit” ang ang hepe ng pulisya ng Tanza, Cavite kapag mahigpit na paninindigan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa naunang polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing” sa naturang organisasyon.

Kabilang sa posibleng sumabit dito ay itong si P/Lt. Col. Joven Bahil at Cavite Police Provincial Director PCol Ariel Red dahil sa ‘di masugpong operasyon ng ilegal na sugal sa Perya tulad ng “drop ball baraha at color games” na matatagpuan sa may AllHomes ng Barangay Punta, Uno Tanza, Cavite na pinagpipiyestahang gabi-gabi ng mga sugarol at adik na inabot umano ng madaling araw ang gambling operation.

‘Di ba kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibilidad at ang mabigat na pananagutan, kaya ang Chief of Police at PNP Provincial Director na nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service”, ay may pananagutan batay na rin sa doktrina ng command responsibility.

Oh baka naman, nakalimot na nina PLtCol Joven Bahil at Col Ariel Red?

Kung sakaling nga na may pagkukulang at pagpapabaya sa kanilang tungkulin ang mga nabanggit na PNP official dahil sa ‘di pag-aksyon ng mga ito laban sa hayagang operasyon ng inuumagag sugal, ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito.

Dahil sa sunod-sunod kaso na kinakasangkutan ng mga pulis. Aminado si PNP Chief Nartatez Jr. na nalulungkot at dismayado siya.

Ito ang sinabi ng hepe ng pambansang pulisya sa isinagawang press briefing noong Lunes, Pebrero 2, sa Camp Crame.

Dagdag pa ni Nartatez na “no cover up at no whitewash” sa mga sunod-sunod na kaso at kontrobersiya na kinasasangkutang krimen ng mga pulis na kinabibilangan ng carnapping, robbery, homicide at iba pa.

Paliwanag niya, hindi niya kukunsintihin ang mga tiwali sa kanilang hanay.

Sa ngayon, patuloy umano ang mahigpit nilang internal cleansing.

Nabatid na kamakailan lang ay isang pulis ang pinatay at kasama sa suspek ang dismiss na pulis, maliban dito ay may anim na pulis din na sangkot sa robbery incident sa Maynila, habang isang pulis din ang kasama sa pagnanakaw sa Maynila.

Nanawagan naman ang mga residente ng Barangay Punta, Uno Tanza, Cavite kay PNP Chief Nartatez ng masusing imbestigasyon sa umano’y pangungunsinti ng ilang pulis at matataas na opisyal ng gobyerno sa iligal na SUGAL na talamak ngayon sa nasabing lugar kasabay ang panawagang seryosohin ang “Internal Cleansing” sa PNP.

Samantala hindi lang sa Tanza talamak ang iligal na sugal Kundi maging sa ibang bayan sa lalawigan ng Cavite.

Kaya wag kayong bibitiw may kasunod pa ito!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 0936-8625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com