Advertisers

Advertisers

67-ANYOS LOLO 105 BESES NIREYP ANG APO!

0 11

Advertisers

HIMAS rehas ang isang 67-anyos na lolo na paulit-ulit gumahasa sa kanyang sariling bubot na apo sa Allacapan, Cagayan.
Ang manyakis na matanda ay kabilang sa ‘Top 3 Most Wanted Person sa Region 02’, na nakasuhan ng 105 bilang ng kasong ‘Rape at Sexual Assault’, at 3 bilang ng Acts of Lasciviousness kungsaan mismong ang 7-anyos niyang sariling apo ang “binaboy”.
Sa imbestigasyon, nagsimula ang pang-aabuso ng matanda sa apo taon 2020 kungsa 7-taon gulang pa lamang ang biktima, ngunit pormal lamang silang nagsampa ng kaso nang 12 taon gulang na ang bata. Ang kasong rape, ayon sa batas, ay may sampung taon na palugit para sa pagsasampa ng kaso.
Ayon pa sa pagsisiyasat, tanging ang biktima, ang kanyang lolo at ang lola ang nakatira sa kanilang bahay dahil ang magulang ng bata ay mayroon naring kanya-kanyang pamilya at nagtratrabaho sa ibang lugar.
Dahil sa takot sa posibleng gawin ng lolo sa bata, hindi nito nagawang magsumbong kaagad at umabot pa ng 5 taon bago nito sinabi ang pang-aabuso ng sariling lolo sa kanya.
Nagawa ng biktima na magsumbong sa kanyang ina sa pamamagitan ng pag-chat sa messenger, naging daan upang magsampa ng reklamo ang ama nito laban sa lolo.
(REY VELASCO)