Advertisers

Advertisers

Baril at basyo ng bala sa pagpaslang sa pulis sa septic tank positibo

0 13

Advertisers

KINUMPIRMA ni Bulacan PNP Provincial Director, Colonel Angel Garcillano, nagpositibo sa isinagawang balistic ng Scene of the Crime Operative (Soco) ng Bulacan Crime Laboratory, ang baril na 9mm pistol ng suspek na si Monjeanne Julian Salamat at ang isang basyo na nakuha sa Crime Scene noong Enero 31 ng madaling araw kungsaan natagpuan sa septic tank si PSsg Renato Casauay Jr. na pitong araw na nawala mula Enero 24.
Alas-9:30 ng umaga ng Pebrero 7 inilabas ni Police Captain Tirso Gauada Cruz, forensic firearms examiner, na nilagdaan ni Soco Provincial Chief, Lt.Col. Maria Cecilia Tang.
Sa isang interview kay PLt. Col. Rommel Genebalzo ng Malolos City Police Station, malinaw aniya na may kinalaman si Sampol sa pamamasalang sa pulis, dahil sa pinangyarihan ng krimen nakatirik ang aircondition na kubong kawayan ng anak ng peryodista.
Samantala, mariin na itininanggi ng mamamahayag na si Orlan Mauricio, ama ni Sampol, na walang kinalaman ang kanyang anak sa pagpatay at hindi rin kanila ang lupa.
(Thony D. Arcenal)