Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Magaganap na ngayong March ang wedding nina Kim Molina at Jerald Napoles!
Nangyari ang rebelasyon sa mediacon ng pelikula nilang Wonderful Nightmare ng Viva Films.
Hindi dinetalye ni Kim kung saan eksakto pero hindi sa Maynila, sa isang malayong lugar dito rin sa Pilipinas ang venue kasal.
Hindi inihayag ng magkasintahan ang lahat ng detalye tungkol sa mangyayaring milestone sa kanilang relasyon.
Lahad ni Kim, “Ako po ang nag-decide nito.
“Tinanong din ako ni Jerald. Nung kasing proposal ni Je, nagulat ako dahil naunang nalaman ng mga tao bago ko i-post kasi na-post agad yung full speech ni Jerald.
“So I think itong wedding na ito, sa amin na po muna siya. But of course, ise-share po naman namin on the day.”
Ang sikat na fashion designer of the stars na si Mak Tumang, ang nagdisenyo ng ayon pa kay Kim ay kanyang dream wedding gown.
Tungkol naman sa pelikula nilang Wonderful Nightmare, deretsahang sinabi ni Kim na sa una ay kinabahan siya nang nalaman niyang sila ni Jerald ang mga bida sa Philippine adaptation ng nabanggit na na Korean at Taiwanese film.
“When I found out I am doing Wonderful Nightmare, kinabahan na ako kasi this is my first adaptation.
“So kinakabahan ako, pangarap ko po kasi na magkaroon ng adaptation.
“Ang nangyayari, palagi kong ka-text si Boss Vic [del Rosario ng Viva Films], tatawagan ko siya, ‘Boss, kaya ko na ba ito?’ Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’
“Aral lang ako nang aral ng script and there are certain emotions that I wanted to know, kung makukuha ko.”
At hindi malilimot ni Kim ang naturang proyekto dahil habang ginagawa niya ito ay pumanaw ang lolo niya.
“Sa buhay kasi natin, may times na hindi natin alam ang mangyayari.
“While shooting this film, someone dear to my heart passed away, it’s my grandfather.
“Nagkataon na I had to shoot this scene na first time nangyari. Sina Direk, they had to go to me kasi hindi ko ma-stop. I can’t stop my emotions.”
“Yung halu-halong mga emosyon and all of that. The pressure of getting married, that I have to fix everything all at once.
“Nangyari lahat while doing this film so I think it helped me in a way, and I learned a lot about myself.
“Hopefully, maayos siya na na-translate sa screen. I am actually nervous and excited to watch it.”
Ang Wonderful Nightmare, na huling pelikula nina Kim at Jerald bilang mga dalaga at binata, ay ipapalabas sa February 25, sa direksyon ni RC delos Reyes.