Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nadamay na Filipino sa naganap na suicide bombing sa isang mosque sa Islamad, Pakistan.
Pahayag ito ng DFA matapos ang pakikipag-ugnayan sa nasabing bansa.
Mahigpit ang ginagawang monitoring ng embahada ng Pilipinas sa Pakistan sa kalagayan doon.
Natitiyak nila na maibibigay ang lahat ng tulong sa mga apektado ng kaguluhan doon.
Matatandaang nasa 31 katao ang nasawi at 170 ang sugatan matapos ang suicide bombing sa loob ng mosque noong Biyernes, Pebrero 6.