Advertisers

Advertisers

PBBM walang kasalanan sa flood control – Lacson

0 18

Advertisers

WALA umanong nakitang sapat na batayan ang Senate Blue Ribbon Committee para panagutin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng mga alegasyong iregularidad sa flood control projects.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson si Pangulong Marcos lamang ang nag-aapruba at hindi siya ang nagpe-prepare ng General Appropriations Act.

Binanggit din ng senador na mas nararapat umanong ipaubaya sa paghatol ng House Committee on Justice ang usapin ng pananagutan ni Pangulong Marcos, na nauna nang nagbasura sa mga reklamong impeachment laban sa Punong Ehekutibo.



Gayunman, sinabi ni Lacson na patuloy pa rin tatalakayin ng komite ang nararapat na hakbang, kabilang ang posibleng pananagutan ng sinuman, kaugnay ng isyu ng flood control projects.

Noong Miyerkules, ibinasura ng House Committee on Justice ang dalawang reklamong impeachment na inihain laban kay Marcos dahil sa insufficiency in substance.



Ang isa sa mga reklamo, na inihain ng abogadong si Andre de Jesus, ay nag-akusa sa Pangulo ng betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution, bukod pa sa iba pang alegasyon.

Samantala, ang isa pang reklamo na inihain ng Makabayan bloc ay nagsasabing nagkasala si Marcos ng betrayal of public trust kaugnay ng pagpapatupad ng Baselined-Balanced-Managed (BBM) parametric formula sa alokasyon ng mga infrastructure projects, na umano’y nagresulta sa mga “ghost,” substandard, at overpriced na flood control projects. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">