Advertisers
Palutang-lutang at wala ng buhay ang bagong silang na sanggol na babae, sa isang Sapa sa Brgy, Caingin Malolos City nito lamang Pebrero 7 2026.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director PCol. Angel Garcillano, isang concerned citizen ang dali-daling tumawag sa himpilan ng pulisya kaugnay sa patay na sanggol.
Nabatid sa mga rumespondeng pulis na naka-kabit pa ang inunan at umbilical cord ng batang babae.
Samantala, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang Soco sa pinangyarihan ng krimen upang matukoy ang kung sino ang ina ng bata.
Kasunod nito’y na-kikipag-ugnayan na ang City Social Welfare and Development Office ng Malolos sa barangay health worker upang magsagawa ng record checking sa lahat ng buntis sa loob ng barangay para sa posibleng pagkakakilanlan ng ina o pamilya ng namatay na sanggol.
(Thony D. Arcenal)