Advertisers

Advertisers

Transparency at accountability kailangan para maiwasan ang korupsyon sa pamahalaan – netizen

0 342

Advertisers

Sa nakalipas na survey na isinagawa ng Pulse Asia marami sa mga Pilipino ay naniniwala na talamak umano ang korupsyon sa pamahalaan, habang mayorya nito ang nagsasabi na “normal” na itong bahagi ng pulitika sa bansa.

Subali’t ang malaking katanungan dito kung bakit nagaganap ang korupsyon ay ang kawalan umano ng transparency sa gobyerno dahil maituturing pera ito ng taong bayan at nangangailangan ng accountability.

Kaugnay nito isa sa halimbawa umano ng transparency at accountability ay ang katanungan ng ilang residente ng Barangay Kamuning kung saan napupunta ang kinikita ng gymnasium sa paggamit ng Suntay Multi Purpose hall gymnasium sa Bernardo.



Nabatid sa vlog ng Genuine Batang Kamuning isa sa malaking katanungan ng mga residente sa barangay ay kung saan umano napupunta ang kinikita ng gymnasium. Mula sa sinisingil na kabayaran sa bawat pa iskedyul ng palaro na nagkakahalaga ng isang libo (P1,000) kada oras kung ikaw ay dayo at limang daan (P500) naman para sa residente ng Brgy. Kamuning.

Idinagdag pa sa vlog ng Genuine Batang Kamuning na mula naman sa mga dayo na naglalaro kung iyong susumahim ay lalabas na P60,000 a month x 12 buwan sa isang taon ito ay lalabas na P720,000 times 4 years na nagsimula pa pa noong 2022 ay aabot na P2,880,000 ang dapat umano na kinita ng barangay mula ng kinita para sa pagpapalaro sa gymnasium ng naturang barangay.



Bunsod nito sinabi pa ng Genuine Batang Kamuning na ilan lamang umano ito sa katanungan ng mga ilan residente sa barangay na nangangailangan umano ng kasagutan na hindi pa kasama dito ang kinikita nito umano sa pagpapaupa na ginagawang garahe ng motor at sasakyan na nagkakahalaga ng isang libo (P1,000) bawat sasakyan sa isang buwan na umuupa na hindi bababa sa 20 piraso ng sasakyan na nagkakahalaga ng P20,000 month times 12 buwan bawat taon na nagkakahalaga ng P240,000 at times 4 years ay nagkakahalaga P960,000 ito sa mga sasakyan lamang.

Kaugnay nito habang ang bawat motor na nagkakahalaga ng P300 kada buwan na hindi rin bababa sa 20 piraso ang nangungupahan kada buwan ito ay nagkakahalaga ng P6,000 bawat buwan times 12 buwan kada taon ay nagkakahalaga umano ng P72,000 times 4 years ay aabot na halaga P288,000 ang lahat ng ito ay sinisingil ng walang opisyal na resibo mula sa pamahalaang barangay Kamuning na nagpapakita ng accountability at transparency.



Samantala sinabi pa ng Genuine Batang Kamuning na ang malaking katanungan dito ay nasaan ang transparency sa barangay na itinuturing na isang maliit na sistema ng gobyerno sa lungsod dahil maituturing na pera umano ito ng taong bayan at nangangailangan ng accountability.(Boy Celario)